7.14.2014

Ang Problemo ko Sa UP

Talagang may problema ako UP ano?

wahahaha! of course echos lang ito.

UAAP Season na naman kasi, narinig ko sa balita. As usual, talo na naman ang UP sa basketball. #weshallneverexpect. Ang ironic lang na ang galing ng UP na mag-cheer (cheer dance? hehehe) pero never pang nanalo. Ni hindi man lang makapasok sa semis. Anyare?

Eh di waley! mwahaha!

Anyway, hindi naman yan yung totoong problema ko sa UP.

Noong isang araw kasi napanood ko sa ANC yung tungkol sa infestation ng mga coconut farms sa Southern Luzon. Nabother ako dun sa comment ng isang farm owner dahil hindi mapuksa yung mga peste eh naturingan pa naman daw na mga graduate ng UP yung mga nasa Philippine Coconut Authority aka PhilCoA (ayon sa website though, may ginagawa daw sila para ayusin ang issue na ito).

Ang sakit lang sa tenga at puso na marinig ang komento na 'yon - "graduate pa naman ng UP". Tinamaan ako in particular dahil naturingan akong graduate ng UP ay wala naman din akong kongkretong naibabalik pa na makabuluhan sa bansa ko bukod sa remittance. Masakit mapakinggan pero yan ang totoo - marami sa ating mga graduate ng UP ang hindi naman talaga naglalayong gayahin si Oble sa pagbibigay ng sarili sa bayan, rason kung bakit subsidized (at least noon) ang tuition fee sa unibersidad. Bakit? Halos lahat naman kasi ng estudyante, naghahangad na makapasok sa UP hindi para maglingkod kundi para sundan ang kani-kaniyang ambisyon na usually ay 2 bagay lang naman - makapag-abroad at makapagpayaman.

Well of course, may choice naman tayong gawin kung anuman ang gusto natin. May nababasa nga ako na status ng mga UP grad sa facebook, parang wala lang sa kanila na ipagpalit ang citizenship nila para lang hindi na kailangan ng visa sa pag-ikot sa buong mundo.

Yun nga lang, mahirap kasi kapag may nakakaligtaan kang responsibilidad. Madalas kasi sa hindi, nakakalimutan natin ang tagline ng UP - Honor and Excellence. Kaya nga nauna muna ang Honor bago ang Excellence ayon nga sa last lecture ni Mareng Winnie eh dahil mas dapat nating pahalagahan ang dangal bilang estudyante ng premier na unibersidad sa Pilipinas bago kagalingan (tinagalog ko alng hahaha). Basta panoorin niyo na lang yung vid. Mas maganda ang paliwanag ni Mareng Winnie tungkol sa bagay na yan.

Sagot sana kasi tayong mga graduate ng UP para matuunan at maresolba ang mga socially relevant issues sa sarili nating bayan. Ang dami nga nating pagyayabang tungkol sa UP. In fact, walang mapaglagyan ang pride natin bilang graduates. As in, minsan sobra na akala natin wala nang ibang magandang school kundi UP. Parang tama na ang school pride. Heller??? CHAR.

Kidding aside, nasaan nga ba tayo at ano nga bang ginagawa natin? noh?

At yan ang problema ko sa UP.


PS: Wala naman akong pinaparinggang mga partikular na tao. In fact, kasama talaga ako sa problemang ito ng UP. Nakakalungkot lang pag pinag-iisipan ko ang bagay na itey. #akonamadrama
PS: Mareng Winnie, wag mo nang hilahin ang mga paa ko ha? babalik din naman ako at "magbabalik"... Pramis. ;)

No comments: