***
May 2 subjects pala akong dinrop nung college - Math 17 & Sociology and Mass Communication. Baka meron pang iba na hindi ko maalala hahaha!
Well yung Math 17 kasi feeling ko makaka-4 lang ako sa first take. Eh need ko ng scholarship so I opted to drop it na lang. Ayun nga lang, hindi ko na cum laude dahil na-underload ako sa sem na nagdrop ako ng 5 units ng Math 17. To some extent my sisi factor din pero ngayon narealize ko naman eh aanhin ko ba yung honors na yon? Pagtanda mo naman na eh hindi na siya masyadong magmamatter. In the end, mas mahalaga pa rin ang iyong relasyon sarili at sa mga taong mahal mo.
CHAAAR!
Yung Socio yata dahil 'di ko na makita yung sense nung subject. Kung anu-ano kasing pinagsasabi ng teacher kong tibak :D
***
Naalala ko pala, may panghihinayang ako sa hindi pagpunta dun sa immersion sa Anthropology class ko. Nagpunta yung groupmates ko sa Zambales. Ako lang di nakasama dahil di ako pinayagan ni Benjie. Sad.
Pero come to think of it, parang wala pala akong natutunan sa class na yon. hihihi
***
On regrets and what ifs: Syempre tao lang tayo - gusto natin na maayos ang mga bagay at naayon sa gusto natin kaya naman pag lumilihis sa plano natin ang mga sitwasyon eh mag-iisip tayo ng mga what ifs para pahirapan, kung hindi pakalmahin ang mga utak natin para kunwari maitatama pa nating ang mga mali.
Sisihin ang sarili or kung sinuman portion for more kaguluhan at pag-aalala.
Pero isang absolutong realidad na hindi na natin maibabalik ang oras at kahit anong pilit at sisi levels natin ay hindi na natin mababawi ang mga salitang nasabi na at mga bagay na nagawa na.
Sa mga ganitong sitwasyon, madaling sabihin pero mahirap tanggapin na wala nang ibang paraan pa kung paanong mangyayari ang mga bagay-bagay kundi sa paanong paraan ito nangyari nung nakaraan. Yung tipong kahit ibalik natin ang nakaraan ay sa ganoong paraan pa rin sya mangyayari.
Kaya naman mahalaga ang positibong disposisyon sa buhay para tanggapin ang mga mahihirap na sitwasyon at gamitin ito para maging malakas para sa sarili at sa ibang tao.
Parating may mga bagong bagay naman tayong matututunan at maituturo sa iba.
Looking at the bright side of the story efek efek
***
Isa sa inaabangan ko sa Yoga class namin ay yung mga echos ng teacher namin kasi nakaka-inspire sya at nakakagaan ng aura.
Isa sa paborito ko yung sa Detox Flow. Syempre, pampatanggal ng toxins sa katawan. Pero di ko inexpect na magkwekwento ng something personal yung teacher namin.
Anyway, ang kwento nya ay tungkol sa friends nya sa FB. Taga-Inglatera kasi siya tapos syempre kumokoment sya sa FB ng mga friends nya don. Pero napansin daw nya na lagi na lang rude yung certain friends nya sa kaniya hanggang sa nabother na siya - hindi na healthy ang mga ganung usapan. So he decided to send them "thank you for the old fun times and goodbye/all the best" notes at shinunggal na nya sila sa FB friends list nya.
Kanina naman, nakita ko yung status ng isang friend ko sa FB. Kakatuwa lang din:
Parang sabi nga ni Will Smith:
You can't run with people who can't make up their mind. Drop 'em, find ones that can and will run with you, and keep running. @stopandrealize
Parang sabi nga ni Will Smith:
Don't chase people. Be yourself, do your own thing, and work hard. The right people... the ones who really belong to your life, will come to you. And stay.
***
So sa madaling salita, ang mga major kyeme sa mahabang kudang ito ay:
Free yourselves from unhealthy relationships.
Drop toxic people from your loyf.
Accept and let go.
No comments:
Post a Comment