End na agad ng unang buwan ng 2015. Anyare mga marz??? CHAR!
Heniwey, ito lang ang akin mga puntos mula sa mga pagmumunimuni ngayong simula ng taon:
- On peace, Mamapasano Clash and Charlie Hebdo:
- Sino ba namang mababagabag sa nakakabother na patayan sa Paris at Maguindanao? Of course, mali ang pagpatay. Yan naman ay universal. Pero ang mga naisip ko rin...
- Sa kaso ng Charlie, hindi ka pwedeng gumawa ng materyal na nambabastos sa paniniwala ng mga partikular na grupo ng tao at isipin na, ine-exercise mo lang kung anumang paniniwala din ang meron ka (sa lugar nila eh anarchists kasi sila na gustong basahin ang kahit na anumang awtoridad) at i-expect na lahat ng tao ang mauunawaan ang pagka-progressive ng utak mo at magkibit balikat lang kung hindi man tumawa sa materyal mo. Parang ang arogante lang kasi ng ganoong aksyon para sa akin, lalo na, alam mo namang may mga taong nagrereact ng bayolente lalo na kapag relihiyon ang pinag-uusapan.
- Mapunta namans a Mamapasano Clash, halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. Lungkot at awa para sa mga pamilya - galit at poot sa mga lider sa gobyerno. Bakit ka naman kasi susuong sa kampo ng mga rebelde na todo uniporme para tugusin ang isang wanted ng hindi mo naman bansa nang hindi ka pamilyar sa lugar at hindi ka nagsasabi sa kung kaninuman? Parang anong klaseng intel yon? Ganoon ba tayo katanga? Tapos yung pangulo mo, naturingang commander-in-chief, hindi man lang salubuhin yung mga bangkay ng mga pulis na sinugal ang buhay para saan? Bounty fee mula sa US? Ilang milyong dolyar para sa 44 na buhay at malaking potensyal na gulo pa sa Mindanao? Pangulo na hindi marunong umamin sa pagkakamali. I mean, hindi naman siya masamang pangulo, posible nga na isa siya sa mga hindi corrupt na pulitiko sa kasaysayan ng Pilipinas, pero P^%$#&!!! bakit ba kasi wala siyang balls at sabihing "I am responsible".
- Well, siguro ang gusto ko lang sabihing primaryang dahilan sa mga gyera o kahit anumang alitan ay una, kawalan ng respeto sa kapwa at pangalawa, pagka-iresponsable.
- Mahirap kasing magbigay ng respeto sa panahong pwede mong sabihin o i-express ang kahit anumang iniisip mo. Di ko naman sinasabi ng hindi tayo dapat mag-isip ng masama sa paniniwala ng ibang tao. Wala naman tayong sa Nineteen Eighty Four kung saan krimen ang magisip. Natural lang naman yon sa tao na batikusin ang mga bagay-bagay sa paligid. Pero ang execution ay mahalaga rin. Hindi ka basta-basta lang pwedeng magsabi ng iniisip mo sa lahat ng tao alam mo yon? Dahil merong tinatawag na respeto. Kung di mo kayang paniwalaan ang idelohiya ng iba, sabihin mo sa maayos na paraan. At kung wala kang makumbinsi, eh waley. Walang pilitan. Pluralismo. World Peace.
- Sumunod naman, kailangan nating maging responsable sa mga aksyon natin dahil hindi ka kumikilos para sa sarili mo lang. After all, lahat tayo ay parte ng lipunan at tayo bilang mga myembro ang huhulma rito. Lalo na sa mga lider, hindi ka pwedeng basta-basta lang magdesisyon ng hindi iniisip ang implikasyon ng mga desisyon mo. Sabi nga ni Carl Sagan, marami kasing akala nila mas mahalaga ang buhay nila kaysa sa iba kaya wala silang pakundangan kumilos pero kung tutuusin, pareparehas lang naman tayong mga butil ng buhay sa universe. Lahat ng buhay ay mahalaga sa pare-parehas na paraan.
- Ayan, masyadong seryoso na naman ako sa itaas. ayayay! sa ibang echos naman, naalala ko lang bigla na sumali at nanalo ako noon sa photojourn contest. May sipat naman ako noon pero parang nawala ko na ngayon. So isa sa mga projects this year ay subukang makipagbalikan sa aking hilig sa paglilitrato. YEEEZZZ wahahaha
- Yung the Voice of the Philippines parang contest ng mga laos. Hindi naman sa ayoko sa kanila pero let's give chance naman to others divams? Gawa na lang sila ng ibang contest para sa mga gustong magbalik. Parang yung isang contest sa noon time show. Singing contest para sa mga 40YO+. Sabi nga, better late than nevah! :D (PS: ang galing pala talaga ng ex-rivermaya vocalist na si Jayson Fernandez. As in IMBA. Sayang waley na siya. PS PS: Ibang level din yung si Casper. Pero kapag Casper ba ang pangalan mo kailangan nakakatakot din ang boses mo? choz!)
- Kakaaliw naman ang Gone Girl. Malapit ko na siyang matapos. In fernezz sa movie, decent naman ang pagkakaremake. O love ko lang din movies ni David Lynch haha! heniwey, kailangan ko na palang gumawa ng reading list for this year. syempre dapat matapos ko lahat ng Gladwell books. bukas bukas maglilista na rin ako :D
- Oscar's naman. So far, 3 palang napanood namin - Whiplash, Birdman at Grand Budapest Hotel. Syempre Grand Budapest pa rin bet ko. Pero yung Birdman eh kakaiba - ambisyoso sa kaniiyang 1 camera set-up, kaboom na actors at lalim ng mga hugot ng linya. Kung ang Budapest eh lulunurin ka sa detalye at kulay, lulunurin ka naman ang Birdman sa pilosopiya. Akala ko naman comedy lang yon. But no... hahaha! Sana mapanood din namin yung iba. Mukhang maraming magagandang movies this year :D
- This year, sana rin eh gumaling akong mag-manny bilyar. College pa kasi nung huli akong maglaro ng matino. Kailangan talagang bumawi sa pagsipat.
- Shen is getting a lot better na pala. Hopefully makapagsalita na sya nang maayos soon at makapasok na sa regular school
- Gusto kong magBoracay this year. Let's see how? :D
- Cute yung English Only at ang ganda lang ni Jennylyn Mercado. Well, at least kaparehas ko siya ng pangalan wahaha!
- Nagkasakit ako ng 1 week this month so halos di rin nakayoga. Kailangang gumaling this year! Do it for the... TSARLOT! Gusto ko lang mamaster ang basic vinyasa man lang. pampalaki ng maskelzzz!
- Next next week ay darating na ang mga bagong team mates. Hopefully ay gumaan na ang workload kahit papaano. At sana hindi na gaanong topakin si BT. Gusto ko na lang din mag-stay muna siguro sa jolunabells hanggang makauwi na eventually. tapos mag-aral. Ayan na naman ang aking mga pira-pirasong pangarap. hihihi
So this year, hindi ko pa alam ang peg ko talaga. Basta gusto ko lang eh:
www.youtube.com/watch?v=Z6DUCHo-UHs
Wala na kong maisip. hahaha!
Bow.
No comments:
Post a Comment