matagal kong pinag-isipan kung anong peg ko for 2015. Di pa ako ok talaga sa "walang basagan ng trip" peg dahil kahawig din yun ng breaking bad wehehe!
anyway, ang daming naganap sa first half ng taon. nakekelerkey! pordat di ako nakapagsulat sa 1-sentence a day journal (heller pamy hehe!) at matagal din natengga ditey sa blog. parang yung dalawang naunang posts ko eh dahil lang sa init ng ulo ko. play - wag na init ulo baby :)
ganire kase... dumaan ako sa darkest times ng aking karir - daming trabaho, mga buset na kliyente (pwera kay pamy at jamie - may disclaimer ganownz!), kanchong na amo tapos amo ng amo na sinabihan kami ng "feel free to leave" pagkatapos tumulong paangatin ang jupisiners ng anim na buwan. pero buti nga at nakausap namin si george the great at nahimasmasan rin kahit papaano. normal lang daw yon kapag nagpapalit ng mga tagapamahala sa kumpaniya so hindi dapat personalin. tama naman nga si rudy fernandez - trabaho lang walang personalan dapat. nagsabay-sabay lang din siguro hanggang sa di na kinaya ng powers ang bigat ng pressure sa pagtratrabaho hanggang lang napaisip na ko. teka lang kasi divams? para saan nga lahat ng pagpapakadedz sa trabaho? di naman kasing halaga ng loyf ko ang ilang libong dolyar at mamahaling pagkain. hindi ko na talaga naintindihan kung bakit kailangan magbuwis buhay para maging numero uno ang kumpanya.
FOWHAAAAT???
hence my peg - #simplengbuhay.
kung baga sa Game of Thrones, gusto ko na lang maging taga-buhos ng wine or maging isang wilding... ay teka, ayoko sa while walker so basta simpleng mamamayan na lang sa westeros.
yung hindi na ko nangangarap ngayon ng mataas na posisyon or sobrang taas na sweldo basta may buhay, hindi praning at walang iniisip na trabaho, may totoong oras para sa sarili (at tuloy, importante ang masayang tulog), pamilya at mga kaibigan. sabi nga sa trainspotting - choose loyf.
so hooray! natapos naman na ang madilim na yugtong yan at nakalipat na rin ng trabaho (masabi ko lang din, magaan naman ang paalaman portion ko sa dating kumpanya which is really really noice :)).
Ngayon, bumalik ako sa tns. i must admit na it's really nice to be back kasama ang mga dating kaibigan at mga amo na may tiwala sayo. at hindi lang yan! lumipat rin kami ng baler! from buking panjang-jang-jang to Yishun! syempre with old housemates. mas mahirap maghanap ng disenteng housemates kaysa sa magandang bahay or ok na location anez! :D
"new" simple life with old good people ;)
at finally, nakatapos na rin ako ng book - Good Enough Parenting. huling-huli na pala ko sa aking listahan. Pero keri lang. habol na lang syempot. Next in line - The Book of Laughter and Forgetting (heller for the 3rd time pamy! :D). Excited na kong magbasa ulit ng Milan Kundera book.
Speaking of book, nakakatawa si Shen nung isang araw. nagskype kami tapos kunwari siya na binabasahan niya kami ng book tungkol sa dinosaurs. Hongkyut lungz. Initial diagnosis pala sa kaniya ay developmental language disorder. Medyo worried pa rin ako pero hopefully madaan naman sa speech therapy and all that jazz. In fernezz sa RLS Therapeutic Learning Center, ang laki na ng improvement ni Shenee so sana tuluy-tuloy na ang paggalin niya <3 p="">
Si Zyric naman, selos galore pala kay Shenee. Pero syempre I think nagkukulang naman nga kami ni Benjie. Dami kong natutunan sa GEP book at hopefully ay maayos naman namin yung mali namin ni benjtot sa pagpapalaki sa mga kids kaya iniisip na namin silang dalhin sa SG para magkakasama na rin kami sa wakas!
zsazsa padilla! yan na muna sa ngayon. cheka ulit next toym! 3>
No comments:
Post a Comment