Hindi ko alam kung alin ang pinakamasakit - maraming plema dahil sa haze, masakit na ulo dahil sa pagkatalo ng UP Pep Squad, o ang maalat na laban ng Gilas sa championship ng FIBA 2015.
It hurts! It hurts yeah know!
Nakakawasak ng puso.
Lalo na 'yung sa Gilas. Ngayon lang ako nanood ulit ng basketball game pagkatapos ng mga 15 taon - nung sikat pa ang Alaska trio nila Johnny A, Jojo Lastimosa, at Bong Hawkins. At ang sakit-sakit sa puso na makitang matalo ang Gilas dahil sa sabotahe sa warm up practice, madayang referees at nakakabwiset na crowd (well, nakakabwiset din tayo minsan haha). Super galing na ng depensa pero hindi makahulog ng bola sa basket. Nakakaiyak T_T
Pero syempre, tinapos namin siyang panoorin ni Benjtot. At nalungkot.
Huhuhu
Tapos luto rin daw ang laban sa UAAP. Sinong team ang makakaisip gumawa nito sa araw ng laban ng Gilas Puso? Sinoooo?
Ibang level pero olats din.
Oh well, ganun talaga ang loyf. Malungkot lang talaga pero sabi nga sa Inside Out, it's ok to be sad.
Pero 'di bale, babawi tayo sa mga #@!#*&^@!#!% na 'yan. Sabi nga ni Santino, may bukas pa ^_^Y
Kaya UP Pep Squad at Gilas, ok lang yan, kayo pa rin ang Champion (walang chalk) sa puso namin.
*lab*lab*lab*
No comments:
Post a Comment