1.02.2007

2006: taong 'di ko malilimutan

Sa halos 23 pamamalagi ko dito sa mundo, ang taong 2006 ang pinakamakulay sa lahat at hindi ko ito malilimutan. Narito ang tala ng mga pinakamahahalagang pangyayari sa aking buhay.

  • Enero
    • nabagabag dahil delayed ako
  • Pebrero
    • nakumpirma sa preganancy test na ako'y nagdadalang tao
    • natapos ang kontrata ko sa Real Stories
  • Marso
    • ika-22 kaarawan ko
    • natanggap ako sa kick.ads (isang nagsisimulang kumpanya)
  • Abril
    • kasal namin ni Benjie
    • pagdalo ng pagtatapos sa UP Diliman
    • natanggap si Benjie sa SM Warehouse
  • Mayo
    • nakarating ako sa Isabela noong mahal na araw
  • Hunyo
    • Ikalawang taong anibersaryo namin ni Benjie
  • Hulyo
    • Nakumpirmang lalaki ang aming anak sa pamamagitan ng ultrasound
  • Agosto
    • Ipinanganak ko si Zyric
  • Setyembre
    • Bumalik ako sa kick.ads
  • Oktubre
    • Ika-20 kaarawan ni Benjie
  • Nobyembre
    • Nalaman naming magsasara na ang kick.ads
  • Disyembre
    • Nagsara na ang kick.ads
    • Unang pasko naming tatlo ni benjie at zyric
    • Binyag ni Zyric
    • Natanggap ako sa Rebisco
Inulan ako ng napakaraming pagsubok nitong nakaraang taong 2006 subalit marami rin naman akong natanggap ng biyaya. Ngunit sa kabuuan, napakalaking bahagi ng buhay ko ang nahubog sa taong yaon. Kaya naman, hinding-hindi ko ito malilimutan.

Maraming-maraming salamat sa lahat ng naging parte ng aking paglalakbay!

Paalam 2006!

2 comments:

Anonymous said...

Meron talagang taon na nagiging espesyal para sa atin. Marahil ito sa mga pagsubbok na ating dinanas. Grabe, sa loob ng isang taon, biglang nanay ka na. Maraming nagbago at marami pa ang magbabago.

http://alwaysanxious.blogspot.com
http://personal-anxieties.blogspot.com

jenpot said...

haha! akalain mo nga yon di ba?