Nagtratrabaho ako limang araw sa isang linggo. Sa loob ng isang araw, tatlo hanggang apat na oras akong nasa biyahe, siyam sa opisina, tatlong oras sa krus na ligas para magturo (ibang isyu pa ito). Kung gayon, ilang oras na lang ang ilalagi ko sa bahay kasama ang pagtulog, pag-aayos sa sarili at higit sa lahat, pag-aalaga sa kakulitang anak.
Alam kong hindi sapat ang oras ko para kay Zyric. Sabado't Linggo ko lang siya matagal nakakasama. Kaya naman, isa sa pinakakinababahala ko bilang ina ang hindi kilalanin o lubusang mahalin ni Zyric. Mas madalas nga niyang kasama ang biyenan kong siyang nag-aalaga sa kaniya araw-araw.
Pero parang kakaiba.
Sa kabila ng sasandaling mga panahon naming magkasama, alam ni Zyric na ako ang nanay niya at laging naglalambing kapag nakikita ako. Iyon marahil ang tinatawag nilang "lukso ng dugo".
Kapag ako ang may hawak sa kaniya, wala siyang pakialam sa ibang tao. Kampante siyang kasama ako at ayaw niya nang sumama sa ibang tao kahit pa sa biyenan kong kasama niya maghapon. Minsan nga, parang napipikon ang biyenan ko kapag buhat niya si Zyric at pipilit ng batang sumama sa akin kapag nakita ako. Ibibigay sa akin si Zyric at sasabihing, "o ayan! sumaksak ka diyan sa nanay mo!". ahehehe!
Bihira siyang magpapababa - kapag gusto niya lang ang palabas sa TV na karaniwan ay shampoo commercials, isama mo na sa listahan ang "makulay na buhay sa sinabawang gulay" nina charlene, nash at aaron. Kapag tapos na ang gusto niyang panoorin, hahanapin niya na akong muli, aakap at maglalambing.
Paminsan, alam kong masyado na akong huli sa pagpasok pero hindi ko matiis ang grabeng pag-ngawa niya kapag kuniha na siya sa 'kin. Sabi ko nga sa kaniya, "umiyak ka ng ganyan 'pag namatay na ko". Ganun ka-grabe ang iyak niya kaya kukunin ko na lang siya ulit para tumahan na.
Hindi ba't nakakamanghang nakikilala ng isang sanggol ang kaniyang mga magulang kahit hindi niya lagi itong nakakapiling? Instinct na siguro 'yon ng tao... ang galing! parang magic...
Haayzzz... Sa totoo lang, mahirap maging magulang. Nakakapagod paminsan. O sige na nga... madalas. ehehehe! Pero kapag kapiling mo na ang anak mo at alam mong maligaya siya kasama ang kaniyang ama't ina, parang nawawala lahat ng agam-agam, pag-aalinlangan at gagawin mo ang lahat para sa iyong munting prinsipeng naghahantay sa iyong pagdating.
3 comments:
magic nga... kakaiba... but i never felt that with my mom... hahah share ko lang...iba pa rin if you've the luxury of time to share with your son. it's different when you're there to see every detail of his growth. wala lang... parang nanay na eh noh.. that's at least what i want to happen in case i decide to settle down. :)
siguro sa baby ganon. pero feeling ko pag tumanda na rin si zyric, iba pa rin yung may quality time ako kasama siya. ^_^
Interesting to know.
Post a Comment