due process!
.......................................
nabansagan ako dito sa opis na raliyista dahil may tibak inclinations ako. pero sori, hindi ako raliyista dahil once palang ako nakasama sa rally (SONA 2004). Pero, wala naman akong masamang chorva sa mga raliyista. Karapatan nila (at nating lahat) na magpahayag ng ating saloobin at magtipun-tipon sa isang "demokrasyang" bansa. Isa pa, mahalaga ang mga rallies para may balanse - kailangan parati ng oposisyon para hindi maging kampante at mapagsamantala ang pamahalaan. oh well, ang ironic lang dahil ang "Pangulo" ngayon na iniluklok noong una sa pamamagitan ng "People Power" e takot na takot sa mga rallies. Laging may mga kapulisan kahit na maliliit na rallies lang. kamusta naman yon?!?
teka, balik tayo sa main topic ko - posisyon sa kaguluhang pulitikal ngayon sa bansa.
i don't think uubra ang isa pang "People Power" katulad nung mga nauna dahil sa maraming mga salik. una, totoong meron ng "fatigue" ang mga tao dahil sa "failure" ng mga sumunod na leaders na mabago o mapabuti yung naunang sistema. pangalawa, malakas ang hawak ni GMA sa militar at mukhang gagamitin niya (well, ginagamit niya na) yon para mapigilan ang mga tao, and por dat, parang imposible para sa kaniyang mag-resign o bumaba at her "own" will (haller?!? hello garci nga na sya mismo involve, namatay na lang ang isyu... hhhaaaayyyzzzz). pangatlo, ayaw ng middle at upper class kay Noli bilang kapalit ni GMA. well, anong rason, it's self-explanatory already (oh yes, i'm so sama with this point). pang-apat, mahirap himukin ang mga tao upang lumabas at sumama sa mga rallies dahil puro mga bandera ng mga orgs at party list. pano ka naman ma-eengganyo sa ganon? baka iniisip nila na kapag sumama sila sa mga ganon e kailangan nilang magmember. something to that effect.
i guess yung mga nabanggit ko e yung main reasons. may mga ilan pa siguro pero yan yung nakikita kong major issues.
so ano na ngayon?
ang posisyon ko e due process. hayaan natin ang mga legal na institusyon ang magpasya sa kaso ni GMA pero dapat pa rin tayong magbantay para masigurong makukuha ang hustisya. ang problema nga lang, lakas ng hatak ni GMA sa kongreso (na wala naman talagang kwenta) kaya mejo malabo ang impeachment. tignan natin sa ombudsman at sendado. salamat nga pala kila dating senador Jovito Salonga at mga abogado sa UP na masugid na gumagawa ng legal actions laban sa katiwalian ng admin ni GMA.
However, hindi ako ayon sa iba na makikipagnegosasyon sa mga liders para matapos ni GMA ang termino bago matapos ang kaso para hindi pumalit si Noli. Di ba, kung gusto nating mabago ang sistema, wala dapat mga ganyang manipulasyon. yun ang tingin ko don.
and finally, to sum this entry up, check niyo iyong Pinoy Kasi column ni Prof. Michael Tan, yung Due Process article niya. parehas kami ng sentimiyento.
****
Nga pala, nakalimutan ko yung name ng youth org na yon. sabi, wag daw diktahan ng mga teachers ang mga estudyante sa posisyon nila sa ZTE-NBN deal. haller?!? hindi po robot ang mga estudyante para diktahan. ang baba naman ng pagtingin niyo sa mga kabataan.
1 comment:
ang posisyon ko. kung ano makakabuti sa bansa. Sakaling mag resign ba si GMA. sigurado ba taung magiging maayos na ang lahat? Ngunit subalit datapwat... panig pa rin ako sa mga taong nagsasabing magresign na siya. dahil natatakot ako na charter change.
pero bago ang lahat... Mare, you have been tagged! Check out my site by clicking here, hehe!
Post a Comment