2.29.2008

sari-sari...

di ako nakapasok ngayon dahil kumulo na naman tiyan ko kaninang umaga. maghapon din akong sinikmura. award! di na ko nakapunta sa doktor dahil sa ilang chuvaness.

oh well, ilang sari-saring chorvanes lang:



  • dahil di nga ako nakapasok, di ko nameet si Lola Lyn. Sadness... Kita ko pala sa news, punong-puno ang Ayala. wwwweeeehhhh!!! I wonder kung nakauwi nang maaga ang mga taga-MB at kung nakapanood sila Des at Ling ng My Big Love. mukhang wala din naman kasi sa kanilang interested sumama sa rally. kaniya-kaniyang chorva naman yan.
  • kairita yung "Trabaho, 'Di Gulo" campaign ng ilang maka-administrasyon. nakita ko kanina yon sa circle. meron pang free medical check-ups, job fair at... free pagupit! san ka pa? well, in the first place, baka nga admin lang may pakulo non para madivert ang atensyon ng mga tao. at teka, sino ba yung gumawa ng gulo? e di ba yung mga corrupt na nilalang na nabuko eventually? aaammfff
  • another irritation. nakita ko sa TV na hinaharang ng mga militar yung mga galing probinsya para magpunta sa Makati. come on, ano bang masama at nakakatakot kung magpunta sila don? hindi rin naman magreresign si GMA e. hhhaaaayzzzz...
  • reaksyon lang sa sinabi ni G. Jun Lozada (Seek truth justice for love of victims). di ba't lahat naman tayo ay biktima ng korapsyon? sa kongkreto, marami ang namamatay dahil jan (mga hindi nabibigyan ng social services at iba pa dahil ninanakaw ng mga magagaling na govt employees ang buwis na binabayad nating lahat).
  • kay Neri naman, ayoko siyang tawaging duwag. sa tingin ko, it's just that masyado siyang ipit tapos, kawawa pa siya dahil sa masasamang comments sa kaniya. mukha siyang mabuting tao (or less evil siguro) para sa 'kin. nagkataon lang talaga na mahirap ang sitwasyon. pero hindi ko sinasabing tama ang ginagawa niya. dapat lang talagang magsabi siya ng totoo.
  • mukhang ok 'tong pinopropose na pester power ni missingpoints. check niyo na lang ang kapangyarihan ng kakulitan.
  • maiba naman ako, last day na pala ng komedya chuvalu sa peyups kanina. sayang di kami nakapunta nila zyric sa quezon hall para makita yung mga kung anek don. nakaabot lang kami ng fireworks. ayos na rin.

ayan lang muna yung mga naalala ko. sa susunod naman ulit. :P

ciao!

1 comment:

alwaysanxious said...

Una sa lahat, di ka pa rin nagpacheck-up!

Ay nyeta ni GMA. Pinapakulo niya dugo ko. Di ko kinaya ang libreng paggupit. Gusto ko siya tuloy kalbuhin :))

Leche.