1.13.2011

digs no more

dati kong hinangaan ang blog na TNL dahil sa malaking potensyal nitong ipromote ang satire na diskurso tungkol sa machismo shit kyeme. naalala ko dati, maya't maya kong inabangan ang kanilang mga entry noong nagsisimula pa ang blog. nagbigay ito ng sampung pamantayan patungkol sa kung sino ang papasa sa titulong "tunay na lalake". nakakaaliw kung paano nila nilalaro ang mga pamantayang ito bilang pagtuligsa sa mga nakakainis na chorva ng "tipikal" na lalake. nang lumaon ay nadagdagan ito nang nadagdagan tulad ng "trabaho lang, walang personalan" rule at kung anu-ano pang shit. di ko na rin nasundan dahil sa kabusy-han sa trabaho at nawala na rin ako sa dami ng bagong rules.

kaninang hapon lang, nasabi sa kin ng isang kaibigan na ang dati naming propesor ang ginagawang tampulan ng katatawan sa nasabing blog kaya binisita ko ulit ito. laking pagtataka ko dahil sa aking pagkakaalam, ang mga manunulat sa blog ay mga dating aktibista na galing sa parehas na unibersidad na aking pinag-aralan. malamang-lamang ay magkakakilala sila. tama naman, magkakakilala nga sila ayon sa blog ng aming dating propesor. ang di ko magets hanggang ngayon eh kung saan galing ang kanilang kyeme na si prop ay vaklush. malamang dahil sa pagbatikos nito sa TNL? pero napakababaw na dahilan non para bastusin, oo yung terminong yon ang nararapat sa ginagawa nila, ang dati naming propesor na sobra kong ginagalang.

sa pagdiskubre sa personal nilang atake kay prop, napagtanto ko rin na wala na halos saysay ang kanilang mga entries sa kasalukuyan. ok, meron pa ring mga "ok-ok" na papasa bilang satire pero halos naging blog na lang sya ng mga porn videos at photos. higit sa lahat, imbes na maging satire sya na tumutuligsa sa seksismo, tila lalo pa nitong iprinopromote ito. talamak ang pambabastos sa mga kababaihan at sa iba pang kasarian. di na nakakatuwa. bastusan na talaga. nakakalungkot malaman ito lalo na dahil dati kong tiningala ang blog at nagtiwala ako sa mga manunulat nito. kaso ayun nga... haaayyysss... sayang lang.

ang pagtingin ko ngayon sa TNL blog, wasak na wasak, sa literal na paraan.

tsk, tsk...

No comments: