1.19.2011

sulat lang

Nais ko sanang isulat ngayon ang lahat ng aking mga saloobin, pakiramdam at pagtingin sa kung anu-anong mga bagay sa aking buhay at paligid tulad ng tungkol sa pagkamiss ko sa aking pamilya, sa mga gusto kong gawin namin at sa mga lugar na gusto kong aming mapasyalan (esp sa Japan para makita ni Zyric yung mga malulufet na tren na pinapanood nya sa youtube), mga chorvang gusto kong gawin tulad ng pagsakay sa GMAX Reverse Bungee at panonood ng gig ng Tanya Markova dahil kahit pa gaano kaharsh ang mga lyrics ng mga awitin nila, bet ko ang "sining" na taglay ng kanilang musika. Gusto kong ilarawan kung gaano ko kagustong kumanta o tumugtog kahit di naman kagalingan at kung paanong gustong-gusto ko ang ASAP Rocks pwera lang kay Reyver dahil napakachismoso at feelingero 'nya. Nais kong ilista ang mga pelikulang gusto ko pang panoorin tulad ng Kung Fu Panda 2 at last Harry Potpot movie at kung alin-alin na ang aking mga napanood na, kasama ng mga komento ko sa mga ito tulad ng kung gaanong gustong-gusto namin ni ayeeh si Ludo este, ang Rabbit Without Ears 2 kaya naman 'di kami makapaghintay makuha yung CD ng part 1 at isulat kung gaano karaming chorva ang ginawa ni Jake at Anne sa Chorva & Other Drugs. Maganda rin sanang ilarawan ang pagka-amaze ko kay Arnel Pineda as a person at sa mga 100%/50%/25%/5%/1% na mga pinoy (ie, Enrique I, Bruno Mars, Charice, etc) na kilala sa buong World sa kanilang mga katangi-tanging talento. Sa kabilang banda, gusto ko ring isambulat kung paanong ako'y buset na buset kakurakutan ng mga pulitiko sa Pilipinas at kay Kris Aquino bilang sinisira nya ang peace & order sa Pilipinas, tsk, tsk.


Ang dami pa sanang ibang mga paksa ang umiikot sa utak ko ngayon na madalas namumuo sa aking isipan habang naglalakad o di kaya'y nasa byahe. Subalit sa kabila ng lahat ng kagustuhan kong ito, may nag-iisang pwersang pumipigil sa akin para magsulat. Dahil kung paano ilarawan ng mga taong malapit sa 'kin ang sabog-sabog kong utak na kasing gulo ng buhol-buhol na trapiko sa Maynila tuwing Lunes hanggang Byernas ng umaga, ganoon din katindi ang tama ng mantra ni George Coladilla The Great sa aking ulirat. Isang salita lang:


Nakakatamad.


Bow.

No comments: