nakita ko noong nakaraang buwan na pinost ng isang FB friend ang blog ni Vincent Jan Cruz Rubio. Isa siya sa mga paborito kong manunulat sa Philippine Collegian kaya minabuti kong basahin ang blog niya. habang bina-browse ko ito kanina, napansin kong 2006 pa yung last entry. pordat, sinearch ko sa google baka may iba pa siyang blog o kung anumang related websites. gusto ko kasi sanang basahin muli yung entri niya sa literary portfolio ng Kule na Trip - Ang Aking Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran sa Bundok ng Sagada. Tindi ng recall ko doon dahil sa galing ng istilo niya sa panulat at plot ng istorya. Tungkol sa isang binatang maraming problema sa buhay kaya gusto nang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa bundok ng Sagada ngunit sa bandang huli ay pipiliin na lang na magbaril. Subalit pagkatapos kong i-click ang "Search" button sa Google ay tumambad sa akin ang balitang brutal siyang pinaslang noong 2009. Sobrang nakakagulat at nakakalungkot na katapusan para sa isang taong may mabuting hangad para sa lipunang Pilipino at di matatawarang galing sa pagsulat. Bakit nga ba yung mga taong ganoon pa yung nawawala agad sa mundong ito?
nakakalungkot lang.
pero kung nasan ka man ngayon idol, sabi nga ng mga kaibigan mo, mukhang masaya ka naman. Isang pagpupugay para sa iyo at sa lahat ng kontribusyon at inspirasyong iniwan mo sa amin. Mananatili kang alamat sa aming puso, utak at kaluluwa.
No comments:
Post a Comment