Noong nakaraang Biyernes, ika-8 ng Abril inilabas ni Willie ang kaniyang sagot sa mga bumabatikos sa kaniya at nanawagan na isara ang kaniyang palabas at wag na muling bumalik sa telebisyon. "magaling" siya sa dalawang punto. una, inungkat niya lahat ng isyu mula pa sa Wowowee at pinalabas kung paano niya, yes, siya lang mag-isa at kaniyang bulsa, hinarap lahat ng mga yon para sa kaniyang 'di umanong layunin na tulungan ang mga mahihirap. pangalawa, sa bandang huli ng kaniyang talumpati, sinabi niyang babalik siya sa kaniyang palabas at isasakripisyo niya ang kaniyang sweldo para lang makatulong sa mahihirap - take note, kahit pa ito'y malugi dala nang walang suportang mga patalastas.
bakit ko sinabing magaling? dahil napapogi na naman niya ang kaniyang imahe sa kaniyang target audience - ang masa. at paano ba sumikat at kumita si Willie? dahil sa masa. paano? mas maraming manonood - masa - mas maraming ads sa palabas at sa bandang huli, maraming PERA para kay Willie. ito ang dahilan kung bakit ganun na lang ang kaniyang pagkapit/pagsuyo sa mga ito. paano niya ginawa 'yon? simple lang - sa pamamagitan ng "ang show ko ang pag-asa ng mahihirap para umunlad at ako, ako lang ang instrumento niyo para maabot ito". natural, ang mahirap, sabi nga sa kasabihan, kahit sa patalim ay kakapit para mabuhay lang. kahit pa umiyak sa telebisyon at ilahad ang lahat ng hirap hanggang sa ayaw na niyang magsalita ay pipilitin pang ilahad kung ano yung paghihirap na dinadanas niya para maraming maawa at may mga TFC subscribers na magbigay ng pera. Noong nakaraan lang, sukdulang magsayaw ang bata ng macho dance habang umiiyak at sa bandang huli, kokomento pa siya, "ang hirap nga naman ng buhay ngayon, pati pagsayaw ng ganiyan ng bata eh gagawin na para kumita ng pera". sinasabi nilang natakot lang kay Bonel yung bata kaya umiyak. regardless kung anuman ang dahilan ng pag-iyak ng bata, the fact na umiiyak na siya, di pa ba 'yon sapat na dahilan para patigilan siya? bakit 'di siya pinatigil? dahil may mga natutuwang manonood sa palabas niya. kahit ano na lang ano? basta "masaya" ang manonood mo? kahit pa kumain ng bubog o gawing tanga ang sarili sa harap ng telebisyon, basta maraming natutuwa, ok lang ano?
ok lang yan syempre kay Willie dahil alam niyang"human interest" ang lahat ng iyan - ang drama at pagiging tanga sa harap ng maraming tao ay makapupukaw sa maraming manonood. bagay na siya ring nangyayari kahit pa sa mga balita sa telebisyon - pakita mo yung kamag-anak ng hostage taker na pinapanood sa telebisyon yung kapatid nila habang binabaril. pakita mo na malungkot sila para maraming manood. ganyan. ganyan ang nakakalungkot na nangyayari sa telebisyon para lang kumita. syempre iba-ibang level yan, at si Willie ay sadyang na-master na ang ganiyang pagmanipula sa damdamin ng mga mahihirap. sabi nga, dun ka aatake sa kahinaan ng kalaban mo. alam niyang pera ang kailangan ng mahihirap, "halika kayo rito at bibigyan ko kayo ng pera at pag-asa." alam na alam niya yan dahil muli, nag-komento pa siya na "ang hirap nga naman ng buhay ngayon, pati pagsayaw ng ganiyan ng bata eh gagawin na para kumita ng pera".
ang kalakaran sa telebisyon - labanan ng ratings para sa kita ang dahilan kung bakit kailanman, di maaaring mangyari ang sinasabi niyang, babalik siya sa telebisyon at isasakripisyo ang sweldo para lang makatulong sa mahihirap. pwede ba, willie, sa tingin mo ba may sira-ulong owner ng TV station ang magpapatakbo ng palabas para lang mamigay ng pera sa mahihirap? lokohan na ito to the highest level eh. e di magtayo ka na lang ng charitable institution o kaya gumawa ka na lang ng livelihood program para di lang "asa" sayo ang mahihirap? pero syempre di mo gagawin yan. pano na yung mga mansyon mo? yung mga magagara mong sasakyan? yung condo mo? at kung anu-ano pang mga luho mo? kaya di ako maniwala sayong gusto mo lang tumulong sa mahihirap eh. kung taos talaga yan sa puso mo, mamumuhay ka ng simple at ibabahagi mo sa mga kanila ng walang kapalit yung mga biyayang natatanggap mo. nangyayari ba yan? HINDEEE. tapos sasabihin mo si Villar sinuportahan mo dahil nakita mo na bukal sa puso niya ang pagtulong sa kapwa. hello??? gusto niyang tumulong kaya nagsayang siya ng bilyong piso sa kampanya niya? ilang libong Pilipino na sana ang nabigyan ng pagkakabuhayan sa halagang iyon? gusto niyang tumulong sa mahihirap kaya niya ipinalihis yung C-5 para dumaan sa mga subdivisions niya? pwede ba?
sinabi mo rin sa talumpati mo, na bakit di na lang ibang isyu ang atupagin ng mga tao at mga sangay sa gobyerno imbes na dikdikin ka? di mo kasi alam kung anong negatibong epekto "mo", yes "mo" at ang iyong existence sa mundo sa kultura ng masang Pilipino - maling pag-asa. aasa na lang ako sa game show tutal naman uunlad ang buhay ko dyan. "ay di bale ng di ako magtrabaho o mag-aral, pag nanalo naman ako sa show ni Willie, giginhawa na ang buhay ko." ganyan. yan nga ang dahilan kung bakit maraming namatay sa Ultra noon eh. na kay willie ang pag-asa ko kaya pipila ko ng ilang araw, para makapasok sa anniversary show niya. na kay willie ang pag-asa ko kaya kung kakaunti lang ang makakapasok sa Ultra, aapakan ko kung sinuman makapasok lang sa loob ng Ultra at makalaro at makakuha ng ano? lima, sampung libo? saan ka naman dadalhin non, Willie?
ito na naman ang nagdadala sa pangalawa kong punto - responsibilidad. nagkomento ako sa youtube video ng speech ni Willie at may napansin akong intersanteng punto ng isang youtube member tungkol sa macho dancing na naganap. sabi nung isa doon, at the end of the day, responsibilidad pa rin ng magulang ang kaniyang anak sa kaniyang mga akto. ang magulang ang maghuhubog dapat sa kaniya. wag isisi sa iisang tao - sa kaso ito, kay Willie - lang kung anuman ang nangyari sa show na iyon.
sang-ayon naman ako, na sa bandang huli, ang magulang pa rin ang accountable sa mga akto ng kaniyang anak. sila ang nagpasayaw kay Jan-Jan sa palabas ni Willie. bahagi sila ng problema. pero para sa akin, di sapat na dahilan iyon para magkibit balikat na lang sa mga maling nakikita ko sa lipunan ko dahil lang sa "yung mga magulang pa rin naman niya 'yun eh". eh di magkaniya-kaniya na lang tayo kung magkagayon at hintayin na lang natin na may mga makitil ulit na buhay sa stampede o kung anuman sa pagsunod sa palabas ni willie at mapasama sa kultura ng "maling pag-asa"?
para sa akin, nasa mahusay na pampublikong edukasyon ang pag-asa ng Pilipinas. Kung bibigyan mo ng de kalidad at abot kayang edukasyon ang mga mamamayan mo, matuturuan mo sila sa larangan ng akademya at kung paano magkaroon ng pangarap, tumayo sa sariling paa at magpahalaga sa marangal na source ng pagkakakitaan. importante yung huli dahil sa pamamagitan noon ay mapupuksa ang kultura ng korupsyon na literal na pumapatay sa mga mahihirap sa Pilipinas.
hayyyy... ang haba na ng magulo at di pulido kong chorva. pero what do you expect sa isang bogsa na manunulat tulad ko kundi kachorvahan XD
bilang panghuling banat, ito ang isa sa mga dabest na kyeme ni pareng Bob Ong:
“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”
o diveyn!?! makatulog na nga. marami na namang pagtutuos na magaganap bukas.
bow.
No comments:
Post a Comment