4.08.2014

Last Week

wala akong maisip na title... boinks!

Heniwey, gusto ko lang naman isulat na yung mga pinaggagawa at natutunan ko last week sa mga napanood, LG at pagkausap ng mga tao. Random echozeseses:

  • iLight (March 30): Nag-eenjoy pa rin naman kami magdate ni Benjie. Ayeeeee! 8th Wedding Anniv namin bukas. Anyare? Nyahaha!
  • LG, Marriage & Relationship with God: Speaking of wedding anniv, nabanggit ni Bausi sa LG nung Wednesday na relationship ng mag-asawa ay parang relationship din with God. The more you spend time together, the more you know each other and hence the more you develop and build love, trust and faith. Iniisip ko pa rin kung anong nangyari sa 'kin 10 years ago - kung paano ako naging agnostic. Paano nga ba pumasok sa kokote ko yung mga pinag-iisip ko about free will? di ko na maalala kung ano talaga yung nagtrigger. Sabi nga ni Leonard Shelby sa Memento (which I watched last week din): Memory can change the shape of a room; it can change the color of a car. And memories can be distorted. They're just an interpretation, they're not a record, and they're irrelevant if you have the facts. 
  • Free Will: So tungkol sa free will, nagbabasa pa rin ako ng mga kaechusan lalo na from Christian Apologetics para more on philosophical churva. Malapit ko na actually matapos yung Imitation of Christ. Masyado siyang pang-monghe pero may sense naman - about leaving worldly things and focusing on your spiritual journey with God by uber sincere humility, service, and communion. Anyway, napagtanto ko na may limited freedom tayo. The only thing siguro na nahihirapan ako ay yung ultimate submission kay God without any question. Honestly, I've been trying hard and if only I could remove that skeptic chip in my brain through surgery, ginawa ko na siguro. So I think, as of now, I'm still agnostic-trying-to-go-back-to-the-Christian-church bilang ang gusto ko naman talaga sa buhay ay common good.
  • Speaking of philosophical churvas and common good efek-efek: nakausap ko din si kuya noy last week. he's trying to "organize" something ditey so tumutulong kami ni benjie. for now, magbuild lang muna daw kami ng network with kahit anong orgs. Sa cultural chenes ako na-assign, which I lily-lily love. Gusto ko nga i-assist si "Ruffa Mae" sa pagrevive ng kaniyang karir bilang painter. Baka pwedeng magpaturo char. Anyway, na-touch namin ang usapin ng religion habang nag-uusap. Well, heller naman, yung profile ni kuya noy mukha naman talagang di nagsisimba (bukod sa TNL siya at ayon sa batas ng TNL ang lalaki ay hindi nagsisimba) or religious. So, di ko na maalala kung paano napunta ang usapan namin don (memory gap again) sa kung papaano siya naging methodist pero he ended up telling the story of his childhood kung paano siya naging atheist. (sabi na eh! hahaha) interesting yung family-angle ng story niya - pioneer born again sila pero bilang lahat sila sa pamilya, graduate ng Diliman, pamilya sila ng nerd at mapag-isip. so anyway, ang nagtrigger para maging atheist si kuya noy ay yung prob with his father (rip) na may pagkawalter-white ang peg - yung alam niya na malaki ang potensyal niya pero because of situations na di maiiwasan, piniling kunin ang propesyon na hindi naman talaga gusto and bound na sa pamilya. So to escape from that issue, naging alcoholic siya. kaya lang, kapag nakainom, nagiging abusive siya to the point na apektado na buong pamilya. hihiwalayan na sana ng nanay niya yung tatay kaya lang pinigilan daw ng pastor nila dahil yung daw ang "will ni God". So boom! Pagdating sa UP, naghanap siya ng group na may belief na paniniwalaan niya talaga na ayoko ng isulat ditey dahil alam niyo na... so anyway, habang kinukwento niya yung echos niya sa UP, nagdiscuss siya ng mga philophical constructs at mga theories. wow. ngayon lang ako ulit nakausap ng tao tungkol sa hardcore philosophy. wohoho! nakaka-refresh! 
  • Family: Pero kung mapapansin niyo, yung issue ni Kuya Noy ay nagmula pa rin sa family. and having watched Blood Brother & Requiem for A Dream last weekend, napagtanto ko na lahat naman tayo ay natural na naghahangad ng pamilya at mga tao na tatanggap at magmamahal sa 'tin. Sino nga ba ang gustong mag-isa? For sure kahit yung mga introvert, pag usapin ng pamilya o mga taong malapit sa kanila, lalambot pa rin ang puso nila. At feeling ko lahat tayo, to some extent, ang mga issues natin ay nagmumula sa ating pagkabata. (Sana makapag-aral pa ko ng psychology to explore this. Well, pwede naman akong magbasa any moching ika nga ni Berto)
  • PS: Gusto ko ang Blood Brother dahil bukod sa imba na cinematography, editing at score, hindi siya preachy and all. nagfocus lang talaga siya sa love, in general. Lalo na yung love na walang kapalit, na ibibigay mo sa kahit hindi mo naman talaga kaano-ano. Hindi ko na isusulat yung mga detalye ditey. Mas maganda kung mapanood niyo :) 
  • PS PS: Speaking of panonood, kailangan kong isulat yung pending entry ko about "Her" and "Breaking Bad". Bukas na siguro :D 2. Gusto ko ring magsulat tungkol sa malaking impluwensiya ng anime sa 'kin. pag may toym. 3. Gusto kong manood ng 2Cellos sa May! Pero syempre dapat unahin ang mga kiddos. Excited na kong dumating sila :)
Ayan, yung mga current na tumatakbo sa utak ko nagyon. Pasensya na sa kaguluhan. 

Chaaaar!


2 comments:

Anonymous said...

Hooray ang daming bullet points! :)

First--glad you enjoyed iLight--bakit ako ba host?! Haha! Oo naman enjoy talaga mag-date. AT dahil makulit ako HAPPY ANNIVERSARY TO YOU AND BENJIE! :D I thank God for your eight years together, for filling you both with His love b and faithfulness. More blessings, happy times and togetherness for you two and the kids. :) Simulan na ang 15th Anniv Plan for Japan.

Sayang, na-miss ko ang Blood Brother--maka torrent nga! ;)

Oh wow, you like? Nood tayo ng 2cellos :) my dad sent me a link, and admittedly hindi ko pa napapanood, but they're supposed to be good.

Shucks pangarap ko rin magsulat ng entry tungkol sa Her :)

Go lang Jen--whatever helps (well that micro chip thing might be difficult, haha). But take heart and know that we all have our walk to make, in the timing that is right for us--He is there ever patient and welcoming in all His love and mercy. And even as we take our own steps, know that we walk together too as brothers and sisters in faith. Soooo andito lang kami to encourage and pray for you :) Big Hug!

jenpot said...

"bakit ako ba ang host?" wahahaha! Apir Pamy!

Salamat nang marami ulit sa pagbati, prayer at cakes! Sobrang blessed kami ni Benjie na magkaroon ng friend na tulad mo :) Sana nga magkatotoo ang Japan trip sa 2019 ^_^ Aja!

Sabihan kita kung may showing ulit ng Blood Brother. OR kung may copy sa torrent why not hehe! Winner siya :)

Kilala pala ng dad mo ang 2Cellos. kewl!!! Mga alien na player sila ng cellos tapos pop songs kasi tinutugtog nila. Galing-galing! *slow clap* Tinatry ko pang kumbinsihin si benjie na manood :D Nood tayo pag pumayag ;)

Tara sulat tayo about Her. Medyo hindi busy sa work this week kaya nakapagsulat pa. Next week ulit ang haggardo versoza wehehe!

At syempre, salamat ulit sa wagas na encouragement tungkol sa aking struggle with my faith with God. I really look up to you and B('s not here) pagdating sa bagay na yan and I thank God na pinadala nila kayo sa amin ni Benjie. Ganda ng LG kagabi :)

See yah soon! TC!

*Mega big hug!!!*