One Word = Chemistry
It's because all elements of these shows mix very well together, consequently showing tight/unified/class S masterpieces. They have the perfect combination of unique plot + superb acting of the whole cast + intelligent/witty dialogues + bare human emotions + appropriate and engaging scoring + superb and exceptional visuals.
They're the kind of great shows that everything in them is just great so you couldn't really pinpoint what made them brilliant. May mga palabas kasi na masasabing maganda dahil sa superior visual effects/cinematography/editing (hal. The Avatar, Gravity, 300, Sin City, Requiem for a Dream, Pacific Rim, The Grand Budapest Hotel, Amelie), pwede rin dahil sa buwis buhay acting (hal The Fighter, Monster's Ball, Lincoln, Monster), or kakaibang story-telling tulad ng non-linear chenes ni Quentin Taratino sa Reservoir Dogs at Pulp Fiction or stunts na di mo malaman kung paano shinoot (hal Premium Rush, Fast Five) or dialogues (Before Sunrise/Sunset/Midnight, Juno, etc) or musical scoring (hal Drive, Pitch Perfect, 500 Days of Summer) at syempre yung istorya mismo (hal Sixth Sense, The Pianist, Eternal Sunshine of the Spotless Mind, The Notebook).
Pero sa Her and Breaking Bad, sobrang maganda lahat at nagco-complement with each other kaya winner sila:
- Her: Futuristic ang setting (lahat inuutos mo na lang sa OS tapos yung trabaho ng main character ay tagasulat or rather imbento ng mga mensahe sa mga tao) pero nagpakita ng makatotohanang istorya tungkol sa pagmamahal sa iba-ibang stages nito: pagpasok sa relasyon, kasagsagan ng kagandahan ng relasyon, awayan portions at eventually... break-up). Syempre napakita ito sa lahat ng aspeto ng pelikula - magaling na acting ng main actor (Joaquin Phoenix), creative production design (costumes, color schemes ng rooms), editing ng mga flashback at "present" na panahon, cinematography, shadowing efek-efek, dialogues na natural lang (kahit pati si Scarjo, parang totoong tao lang din talaga), kakaibang mga karakters pero alam mong nag-eexist pa rin sila sa totoong buhay (ie si ate na may nunal) at swabeng shifts ng moods mula seryoso papuntang malungkot papuntang nakakatawa (yung drawing ng echos sa kili-kili) papuntang malungkot ulit papuntang mapagpalayang tema sa tulong na rin ng pasok sa banga na soundtrack. Lahat ng elementong nabanggit, mararamdaman mo yung kalungkutan ng pelikula pero at the same time yung dulot nitong positive na pagtingin di lang sa relasyon kundi pati sa pagtupad sa iyong mga pangarap at buhay in general.
- Breaking Bad: Isang buwan naming pinanood ang 5 seasons ng Breaking Bad and feeling ko, during that time, kasama akong nabuhay sa mundo nila Walter White at Jesse Pinkman. Yung parang natural na lang na sabihin mo ang "Yo Mr. White!", "Magnets B*tch!*, "Don Elaurio" at "Rapido muchachos!". Tapos yung gusto mong makarinig lang ng espanyol na usapan o kaya kumain ng Mexican food. Ilang beses ba naman kaming nalungkot nung namatay yung mga characters at nung na-heartbreak si Jesse ng ilang beses, muntik ring inatake sa puso sa mga umaatikabong portions, natuwa sa mga chemistry lessons ni WW (tulad nang kung papaano ang tamang paggamit ng acid sa pagdispose ng dead body eeewww), nakitawa sa mga kalokohan nila nila skinny Pete, natuwa sa mga music videos tulad ng Heisenberg Song, Crystal Blue Persuasion at Wendy at iba pang songs, naawa ng maraming beses sa mga api at nagalit rin nang husto sa mga kontrabida. Yung nakita mo yung flawless na transformation ni Walter White mula sa goody-goody husband, father at high school teacher na naghangan lang na tustusan ang panggamot sa cancer at pambuhay sana sa pamilya niya kapag wala na siya papuntang king pin ng meth. At lahat yan ay hindi kumpleto kung hindi alien ang performance ni Bryan Cranston (WW) at Aaron Paul (Jesse). Sabi nga, dapat mamamatay na si Pinkman sa season 1 kaya lang nung nakita ng director na maganda ang chemistry ng 2 aktor, binuhay nila si Pinkman hanggang season 5. Well, actually, buong cast naman talaga ay wagi - Best Ensemble nga, talo pa ang Game of Thrones eh - sila Skylar, Walter Jr, Mike, Hank, Saul, Gomez, best villain ever na si Gus, friends ni Jesse na sabog lang, lahat sila. Bukod pa dyan, tumatak din ang isang importanteng lesson sa kin (di ko na sabihin yung background kwento - spoiler!):
- Breaking Bad pa rin: Isa rin sa paborito kong aspeto ng BB na feeling ko ay yung mga POV shots niya. Buti na lang may nagcompile ng videos (ditey) kasi ang galing talaga ng BB sa aspeto na yan. Sabi ko nga sa isa kong entry, para siyang POV shots ng Trainspotting pero on a higher level. Kung tutuusin nga, mahal ang paggawa ng isang episode ng BB dahil mabusisi ang production design at editing tapos pinag-iisipan talaga ng bongga ang script. On another note, gusto ko rin pala na wala masyadong murahan portion sa BB. Kahit yung malapit ng magpatayan and all, walang mura masyado. May mga palabas kasi na puro F word na lang yung sinasabi, di mo na naintindihan istorya wahaha! hhhhmmm... marami pa kong gusto kaya lang di matatapos ang entry na ito kung iisipin ko silang lahat wahahaha! Anyway, to sum-up (summary na naman?), naipalabas ng Breaking Bad ang kakaibang istorya ng isang normal na tao na naghangad ng mas malaki para sa sarili niya (at pamilya pa rin in the end dahil iniwan niya pa rin yung kita niya para kay Walter Jr) sa isang very engaging at creative na paraan.
- Side echos, feeling ko medyo related sa Reservoir Dogs yung mga "makulay" na pangalan nila. paborito ko si Mr. Pink. Pero syempre, feeling ko lang yan :P
-
O siya, may training na. Tama na ang kabulastugang ito ehehehe!
Bukas ulit ^_^
No comments:
Post a Comment