Natapos namin noong nakaraang buwan yung Death Note.
Maganda siya, mapangahas at interesting. Yung main character na si Light Yagami ay gustong puksain lahat ng masasamang tao sa mundo sa pamamagitan sa pagpatay sa kanila via death note. Syempre sino bang gustong na laging nangangamba sa masasamang tao?
Madaling malaglag sa argumento ni Light pero ang galing din ng anime para i-peg na hindi dapat inilalagay sa ating mga sariling kamay ang hustisya. Sa bandang huli, natalo rin si Light nila L, N at M.
Gusto ko rin yung father and son angle :D Lagi kong sinasabihan si Benjie na 'wag masyadong maging mahigpit kay Zyric. Masyado na kasing competitive; ayaw magpatalo parang si Light Yagami. Wahaha!
Anyways, syempot mas maganda pa rin ang Full Metal Alchemist for me pero kudos sa Death Note. Nakakahook din siya ^_^
Pero gusto ko lang isingit ang quote na ito lalo na sa nangyare sa Paris. Nakakamangha na may mga taong hindi papatol sa mga gustong maghasik ng takot at galit. Nakakaiyak yung video kahit ilang beses mong panoorin.
http://www.thetimes.co.uk/tto/news/world/europe/article4616348.ece
Lastly, this quote <3 p="">
3>
No comments:
Post a Comment