12.02.2012

Update-update nameyn dyeyn

ngayon lang pala ko ulit nakapagblog. acheche! busy-busyhan portion kasi sa panonood ng Homeland. KALORKEEEYYYYYY!!!

heniwey, some updates in the last 2 weeks:

Bamboo Gig: Nakapanood na kami ni megatron ng Bamboo gig. Magaling naman si Bamboo as usual kaya lang:
  1. 1 hour at 15 minutes lang yung gig. bitin!!! 
  2. Paos na si Bamboo after the 5th song
  3. Dahil matangkad kami ni meg, di namin masyadong nasilayan yung perpormans ni koyah. *sigh* yung mga tao naman din kasi taas ng taas ng mga fonels at camera. yun na siguro yung mahirap sa mga concerts ngayon. nirerecord na lang yung mga performance. eh paano mo pa maeenjoy yung totoong concert kung nakafocus ka sa nirerekord mo anez? syempre echoz ko lang itech. paano kaya ang mga gig ngayon sa pinas? ganun din kaya?

   Heniwey, gayunpaman, masaya naman yung gig. di ko inakalang fangurl pala itong si meg. kalerkey lang yung mga tili niya wahaha! tsaka iba pala yung feeling ng kumanta ka ng "Pinoy Ako" song kasama ng iba pang OFW. feel na feel mo lang anez. tsarlot! at syempot, taas kamao pa rin sa song na Tatsulok. Mukhang ako lang naman gumawa non sa crowd. wahahahaha! Bilang panghuli, syempre papanoorin ko pa rin naman si Bamboo muli - kalbo man siya o hindi. YESSS! ruma-rhyme! hahahaha!

Ipsos Team Building: Ang sakit ng katawan ko the day after the team building ek-ek. Kasi naman akala ko bata pa ako at kung makakarir sa mga laro eh ganun na lang. eh siguro, dala na rin ng puro lolo at lola na yung mga naging ka-group ko. how ha? Ngayon ko lang pala nalaro yung dodgeball. Kahawig pala siya ng larong-pinoy na "touch ball". Sayang nga lang hanggang semis lang kami. Masaya sana yung finals for more buwis-buhay moves. oh well, signs of aging nga naman. 

   Yung team building na rin pala yung aming year-end event. So may dinnerva bonnevie nung gabi. Yung pagka-olats ng fudams namin nung lunch at kawalang snacks nung hapon (hunger games???), binawi naman sa dinner. Daming fudams at drinks. Charap nung grilled-lamb!!! waging-wagi!!! at dahil naiwan ko pala yung aking phone sa 2nd bus nung umaga, hinintay ko siya nung gabi. buti na lang simahan ako ni Jamie :-) But no... dahil nakita kami nung aming pinakamataas ng bossing at tinanong kami kung pupunta kami sa "after-party/videoke session", sumama na rin kami dahil mukhang walang ibang taong nandoon sa videoke house. syempre yung aking unofficial talent manager na si Patrick eh binenta aketch sa mga kautawahan. Kamusta yung kumanta ako ng 'Because You Love Me' kasama yung mga lowla! Harfiness naman siya at cool kasama rin si Jamie. Muntik lang kaming ma-stranded nung pauwi habang umuulan. 

  Ang weird lang pala nung aming t-shirt. maipagpag ko lang. kasi naman, pinrint yung "Nobody's" sa harap tapos "Unpredictable" sa likod. (tamad na kong magficture wehehehe) So sa mga pictures, lahat kami ay nobody! hahahaha! at mga unpredictable kapag nakatalikod. Wenks??? napakataliwas lang sa tagline namin anez??? wahahahahahahaha!
 
Rurouni Kenshin: Sa wakassssssss!!! Wooooohoooooooo!!! Di naman kami binigo ng pelikulang itetch. Great casting, cinematography, stunts at build-up ng story. Sakto yung pasok ng mga hangin, ulan, at kung anek-anek. At walang computer-generated graphics ha! imagine sa lahat ng mga fight-scenes, nagawa nila ng katulad sa cartoons. peborit ko yung fight scenes nila ni Jinei. Gayang-gaya! Sobrang galeeeennnggg!!! Nakakalerkey sa galeeeennngg! *oa lang* 

   paminsan lang nawawala ang concentration ko dahil sa mga tili ni genie ohhh! hahaha! kilig na kilig kay Takeru haha! although ako rin naman! hahahaha! perfect lang kasi si Takeru sa role. Wala ng iba pang makakagaya kay Kenshin siguro. Siya na yon eh! Ang wish ko lang naman ay sana tumangkad pa si Sano at Saito (na masyadong mababa ang belt at pants according to Geof aka Kuya Bobby) tsaka sana mas sexy yung kinuha para kay Megumi. Yun lang nomon. Ayos din pala si Yahiko. Ang cuuuuuuuuute! Lagi lang marumi yung mukha niya sa movie. Gusto kong punasan habang sinasabing "anak, maligo ka naman..." hahaha!

   Syempot, harfiness dahil may nakuha akong poster. Wooooooohoooooooooooooo!!! Saya-saya! kung pwede lang ilagay sa kisame. *puso*puso*

   Gusto ko siyang panoorin muli sa Pinas kasama ni Ken, este Benjtot. Can't wait for part 2! 

 

11.16.2012

Kung anek-anek lang - na naman???

RANDOM kyeme-kyeme lang:

- Weekend: na-hospitalize ako nung Sunday night due to chest pain. Pasalamat naman ako at hindi nama related sa 'literal' na puso. Pasalamat din ako at puro pinoy mga doktor sa Tan Tock Seng. Di na ko nahirapang magpaliwanag masyado kung anong nararamdaman ko. Inisip ko pa kasi kung paano ipaliwanag yung "kumikirot". At syempre, na-dextrose na naman ako with blood test - meaning... karayom!!! Sakeettt! but no, wala naman akong nagawa don. although nakatulog naman ako dun sa tinurok (ano daw?) sa kin nung Sunday night. Speaking of karayom pala, na-injection-an din ako nung Saturday dahil nagpa-root canal ako. Napaiyak ako dun sa injection... WOOOOTTT! Sakit kaya! wahahahaha! Keri naman yung aking Singaporean doctor. Mabait naman siya at di na niya nirereco na mag-braces pa ko dahil ok naman itsura ko. Nakakabother lang kasi na puro ngipin ko yung una kong nakikita sa mga pictures ko! HAHAHAHAHAHA!

- Hair: Ang haba na ng buhok ko at iniisip ko kung papagupit ko na o papakulayan ko ba o hintayin kong humaba tapos pakulot ko o itali ko na lang o... o... o... TSEH! Gulo ko! hahaha!

- AMALAYER: Sa panahon na namamayagpag ang social media, dalawang bagong kultura ang tila umusbong 1. Cyber-bullying 2. at kultura nang wagas na pagmamalinis - wagas as in wala na bang bukas??? Choz! Hindi na siguro ako sasasama sa bandwagon ng pagmamaganda ng kung ano pang pagsusuri dahil nakakasuya na! hahaha! Quote ko na lang yung professor ko dati sa college:


"By all means, engage in constructive criticism. But don't ever, ever claim that a person deserves to be ridiculed, vilified, demonized and cyber-bullied. No matter how wrong she may be, she does not deserve what she is going through right now. This is not just an issue of media ethics. This is plain common sense."




- I'm confusing me: In relation to my ka-adik-an sa The Avatar: Last Air Bender, Legend of Korra, V for Vendetta, Hunger Games, The Matrix, Dark Knight, Samurai X and the like, there's seriously something wrong with my fascination of revolutions and adherence of due process at the same time. How ha? Ano ba talaga ate? Kailangan ko yatang mamili lang ng isa don. O siguro, depende sa sitwasyon ano? yay!

- Warla: In relation to the above, sana hindi na lumaki ang gulo sa Middle East. Make love; not war! - Robin Padilla.

- Ako na ang pans: May 2 kaabang-abang na events this weekend - 18th Bamboo Gig + 29th Rurouni Kenshin showing. Masaya yung laging may 'something to look forward to', especially bago magpasko :-)

O Zsazsa Zaturnah, meme mode muna. Next time nomon. Happy Friday Slide :-)

11.15.2012

That Rockin' Girl Avatar

Bow down ako sa The Legend of Korra! Galing ng plot at development ng characters. Syempot, di nawala ang nakakatawang mga eksena at emoticons. Plus, talagang papanoorin mo rin dala ng ibang level na graphics! As in!!! Bet na bet ko rin yung bending tournament! Waaahhh!!! As in sobrang gandaaaa!!! (oo, ang OA ko lang :D)

Hindi na ko makahintay sa season 2. Although, hindi ko maisip kung ano pang magiging kalaban nila dahil na-deds na si Aman. Hhhhmmm... yun siguro yung dapat abangan! Wooohooo! \m/



On a side note, nakaka-relate ako kay Tenzen. Nakikita ko sarili ko sa kaniya kung sakali mang maging council member ako or something. Pero sana water bender ako kung gayon. Eh libre namang mangarap, sagarin na natin! haha!

AT kras ko si Mako *kilig*kilig* *puso*puso*

mwahahaha :D

11.02.2012

Shen's 1st Birthday: Quick Review

Bilang 1st time kong gumamit ng party suppliers, bet ko lang gumawa ng review at listahan ng mga sana-nagawa hehe!

*Pasensiya na sa format... kaguluhan!*

1. Sweet Therapy: Cake + Cupcakes

  • Price: PHP 4,500 for 1 Cake, 60 Cupcakes, Tower (hiram lang :D) and delivery charge
  • Review: 4.5 / 5
  • Kulang lang ng 0.5 kasi I preferred na colorful yung icing pero the rest ay sobrang ok - Winner ang design ng tower, yung print outs sa cupcakes and kahit di ko sinabi, nilagyan na ni Robbie ng name yung cake :-) Lasa? Panalong-panalo! The package is quite pricey pero quality ingredients naman kasi ang gamit ng Sweet Therapy kaya naman ubos agad siya. Good job Robbie :-)

2. Praises and Letters Events: Party Package - around PHP 42k inclusive of the following:
  • 2 Clowns who acted as hosts/game facilitators/magicians: 
    • 4/5 
    • Very maasikaso naman at mukhang bihasa na sila. Nagustuhan ko rin yung program flow ;-) Nakakatawa rin naman yung mga clowns. Mukha namang natuwa yung mga bisita (sana nga wahaha). Hindi lang sila masyadong photogenic sa photos... at medyo pangperya lang yung atake nila... LOL! :) 



  • Balloon Decor - Mickey Mouse Clubhouse Theme: 50 Balloonderitas, 150 Balloon Sticks, 2 Balloon Pillars, Cake Arc, Centerpieces
    • 2.5 / 5
    • Silver ribbons ng balloonderitas as requested - check! Kaya lang walang red balloonderitas? and medyo pale yung colors
    • Cake Arc - check naman! sakto yung pagkakalagay kay mickey mouse sa gitna. I like the colors also
    • Balloon Pillars - 2 Colors lang tapos 1 balloon at top. I think they could have done better on those
    • Centerpieces - Nasaan sila? Di ko nakita actually. Or busy lang ako O_o'
    • Balloon Sticks: I actually got 10 free balloon sticks. Ok din naman yung pagkakakabit nila. Di ko lang masyadong nagustuhan yung colors kasi ang pale. Di tuloy masyadong lutang yung balloons. Ang arte ko? Wahaha! 
                                                                            

                

  • Kiddie tables with covers, Chairs, Loot bags, Prizes, Pinata, Pabitin, Name Tags, Party Hats for 50 kids - Mickey Mouse Clubhouse Theme
    • 4/5
    • Okay naman siya overall. Ang wish ko lang ay sana ay nasa may mickey mouse element pa bukod sa ears dun sa party hats at a few more prizes pa sana for adults din considering na it's 150 php per kid for the party needs
                
                
                                       
  • Unlimited Face Painting
      • 3.5 / 5
      • I think it was satisfactory naman :-) although hindi ko nakita lahat hehe!

  • Food catering: Carbonara, BBQ, Chicken Lollipops, Hotdogs, Ice Cream, Water, Iced Tea, Desserts with Food Servers, Free Chocolate Fountain, Skirted Buffet Table, Skirted Cake Table
    • 2.2 / 5
    • Pros: Good service, Nice skirted tables  (sakto pa, blue yung dress ni Shen-Shen hehe), Free choco fountain
    • Cons: Konti ang servings, matigas daw yung chicken, wala akong nakitang desserts for adults, ice cream on sticks lang? 
    • Other remarks: Honestly, hindi ko naman talaga priority yung food kasi meryenda time lang naman siya. Kaya lang, mas ok sana kung we paid for the service, tables and utensils na lang tapos kami na lang nagluto :-) I think mas sulit yung ganoon. Medyo pagod lang at effort. Sana rin nilagyan ng cover yung mga built-in tables. Di ko lang maalala kung nirequest ko yon. Heniweyz... snapshots!
                       
  • Tarpaulin: 4/ 5! Special thanks to Jhoy Lim for the design :-)
                                              
  • Organizers: 
    • 3.5 / 5
    • Okay naman yung service tapos free sound system pa! :-) Sana lang nagkaroon ng orientation or tinanong-tanong kami pagdating... or something to that efek. Although naging busy rin kasi ako sa pag-attend sa mga bisita. Tsaka sana siguro nafacilitate yung photo ops and all that jazz! Narealize ko kasi, wala pala masyadong pictures si Shen-Shen! Sana meron siyang solo pic na maganda. Nakalimutan ko :-(

Well, overall, it was a fairly nice experience naman - 3 / 5. Hindi lang siya yung tipong na-imagine ko hehe! I think Praises and Letters can improve pa naman... with a few more practice :-) I hope they get better moving forward. More amor powers!

However, hindi siya yung tipong uulitin ko ulit dahil more or less, same visitors lang naman yung pupunta every year. And since I've spent quite a lot naman na, I might as well spend it on overseas or "beach" travel na lang with the kids :-) 

Acknowledgements:
- Juni for Shen-Shen's Cutee Dress ^_^
- Uncle Jr. Buenaventura for reserving the venue (Orosa Hall Balara Filter)
- Yayay Buenaventura for the ride :-)
- Ding Dong and Jhoy Lim for the free photo coverage :-)
- Karen/Mama Tess for preparing/cooking the 'other' fudams na nakalimutan kong ipalagay sa extended table (mahusay... mahusay!)
- Kuya Zyric for being bibo and best-kuya-ever :D
- Labidabs Benjtot sa pagkuha ng mga assistants at pangangarir ng pag-imbita :D
- Shen-Shen for being a good girl

Xcess: I got the Mickey Mouse candle (10sgd) and Backdrop (29sgd) here in SG :-)

Happy birthday 1st Shen-Shen ^_^Y

*bow*

10.11.2012

10.11.12

Masayang-malungkot ang araw na ito.

Malungkot kasi ngayon ang pamamaalam kay Tito Ikoy. Hindi pa rin ako actually makapaniwala na wala na siya. Nagkita pa kami noong pasko at malakas pa siya noon. Isa pa, siya nga itong walang bisyo at healthy ang lifestyle. Hay buhay... Naalala ko lang, lagi kaming nanonood na magkakapatid sa bahay nila ng mga pelikula sa betamax. Tapos, sa tindahan nila ako parating bumibili ng soft drinks at chizcurls T_T haaayyyzzz... Ganun yata talaga. RIP Tito Ikoy. Hindi ka namin malilimutan. Paki-hello ako kay Lolo Berto. Dalawin ko kayo pag-uwi ko sa katapusan :-)


On a brighter side of kyemelars, 100th month namin ni benjtot ngayon. Wala namang special na celebration o kung anuman pero ang tagal na rin namin. naasar lang ako sa kaniya kanina. oh well, towel. lumalaki na rin mga anak namin. Noong isang araw, sinipa daw ni Zyric yung classmate niya... wokokok! ang hirap talagang maging nanay hehe! Si Shen-Shen naman, mag-1 year old na sa 30. Excited na kinakabahan na ko sa celebration. Sana maging okay naman.


Yung mga housemates ko naman, nasa concert ni David Guetta ngayon. Balik workaloo muna aketch. Kailangan kong matapos ang 5 decks sa loob ng 2 weeks. Syempot impossible yon kaya buti na lang may reinforcement mula sa team.

Zsazsa Padilla. Trabaho muna!

*bow*

bakit feeling ko magkamukha sila?

o inaantok lang ako at gusto kong magising... *hikab*




Anyway, on repeat ang Southern Girl sa aking youtube ngayon. 
Bet ko lang mag-youtube soundtrip today. :-)

Bow.

10.08.2012

Oh well...

Towel...

Well, true, this is an editorial for UST students and yeah, technically, wala naman talaga dapat pakielam ang mga hindi nabibilang sa target audience nito.

Pero gusto ko lang sabihin ito - Ang entry na ito mula sa Varsitarian ay parang pagpasa ng Cybercrime Law sa Senado. It's simply... UNBELIEVABLE.

http://varsitarian.net/editorial_opinion/editorial/20120930/rh_bill_ateneo_and_la_salle_of_lemons_and_cowards

10.04.2012

Thirst-day

Bakit thirst-day?

Waley lang! :P

Anyway, gusto ko lang ikembot na mga walang wentang choba ko sa layp portudey:
- trip ko minsan tumambay sa mga clothing boutiques para lang makinig ng sounds nila. chill-chill lang ang drama
- di ako makapaniwala na nakapasa yung cyberchoba law. ayun lang ang masasabi ko... it's simply... unbelievable!!!
- Parang jumijubis na akey so kailangan na muling mag-dumbell-dore.
- Ayoko na muna ng mga 'figurative-weight-lifting'. Simple lang naman ang life. :-)
- Parang gusto kong karirin yung Premium Rush tomorrow night. Pero kailangang magtipid... pero si Gordon-Levitt yon? Pero... pero... pero... bahala na muna si batman (oo, siya na naman)
- Nabook ko na yung party package ni Shen-Shen sa temang Mickey Mouse Clubhouse. Ayoko sana yon dahil di ko bet ang daga na yon bilang competitor siya ni Bugs Bunny. Hhhmmmfff!!! Heniwey, sobrang excited ako ^____^Y Sana maging maganda ang kalabasan ng party kahit fatale lang ako kung tumawad hehehe :D Gawan ko ng recommendation yung planner ditey sa blog kung magkagayon. stay tuned!!! chozzz!
- Kailangan kong makahanap ng Mickey Mouse Clubhouse get-up para sa aming mag-anak. How ha?
- Kailangan ko nang matapos ang Garden State. Lagi na lang akong nakakatulog.
- Kailangan ko na rin matapos ang Samurai X!!!

Di ko alam kung paano tatapusin ang post na ito. Pordat, ito na lang... PERIOD.

Bow.

9.25.2012

TC5

I feel that this band is underrated. They have good and catchy songs. Bonus na lang ang gwapings na vocalist.


Yung abbreviation ng band name nila though reminds me of Leithold's TC7. Nerd lang ang peg. :D

9.24.2012

Sa Pag-Gunita ng Martial Law

Late na post na ito...

Simple lang naman ang punto ko sa entry na ito - ang pangangailangan natin sa accountability. 

Marapat lang naman talaga na alalahanin natin ang kaganapan tulad ng dekalarasyon sa Martial Law - ang mga dahilan, horror stories, at ang paglabas ng mga tao upang kondenahin at tanggalin ang pamahalaang nagdeklara nito. Sa ganang ganito, naibalik natin ang demokrasya subalit pagkatapos ano nang nangyari sa atin? Ngayon isa pa rin tayo sa pinaka-corrupt na bansa sa mundo. Mula sa pinakamataas na lebel hanggang sa mga baranggay tanod at MMDA - talamak lang ang korupsyon. Bakit? Dahil WALA NAMANG TOTOONG NAPARUSAHAN sa kasong ito. Although ngayon, naaresto na si Arroyo at sana nga mapatawan siya ng kinauukulang kaparusahan, parang normal lang sa atin na hingin ang resignation ng isang opisyal sa oras na may mapabalitang anumalya itong nagawa. Katulad na lang ng kaso ni Erap. Oo, napatalsik siya sa pwesto pero naisip niyo ba na muntik na naman natin siyang naging pangulo noong 2010? At bakit ganoon? At bakit din ba may senador tayong Estrada at Marcos? Bakit? 

Isa lang... HINDI TAYO NATUTUTO mula sa ating kasaysayan. Dahil wala namang napatunayang maling nagawa, may mga tao pa ring naloloko sa kanilang 'ka-inosentehan'.

Ang nakakalungkot pa rito, yung mga kilala kong aktibista ay ganoon din ang pag-iisip. Wala naman akong nakikitang masama sa pagrarally pero para pababain na lang ang kahit sinong may 'mali' ng wala naman tayong napapatunayan, ano yon? Eh di wala na naman tayong napatunayan? Parang yung kay Mercedita Guttierez... eh di nakatakas lang siya ng accountability?

So bottom line, hangga't hindi tayo natututo na parusahan ang kahit sinong nagkasala sa pamahalaan, mababa man o mataas ang posisyon, huwag tayong magtaka kung bakit umuulit lang ang ating kasaysayan... wag naman sanang umabot sa punto na magkaroon na naman tayo ng pangulo na Estrada o Marcos. it's just... 

* s   i   g   h   *

9.20.2012

Sa temang long-distance relationship day

Ambisyosa lang... Walang cut, walang praktis

Check this out yo! 
Eraserheads' Lightyears cover by Jenpot

9.18.2012

OPM is dead?

Hindi... At hindi naman mangyayari ang bagay 'yan lalo na sa lahi nating tila natural ang pagkahilig at pagkagaling sa musika. Marahil yung nagsulat ng artikulo ay may ibsng depinisyon ng opm kaya niya nasabi ang bagay na yan.

Actually, maihahambing ang temang ito sa peg ng Midnight in Paris kung saan sinasabing ang golden age na itinuturing ng mga tao sa kasalukuyan ay laging yung nakaraang (mga) dekada.

Sa kaso ng opm or Original Pilipino/Pinoy Music, parating sinasabing sa 90s pinakamayabong ang eksena. Di mawawala rito ang pagbanggit sa Eraserheads at mga kasabayang banda. Kung ganito nga naman ang batayan ng mga tao ngayon, lalo na kung isasama sa klasipikasyon ng tagumpay ang dami ng plakang naibebenta, talagang malayo ang estado ng mga music artists. Kahit naman da lifetime ko ay wala sigurong makakapantay sa tagumpay na nalasap ng eheads. Pero syempre eksaheradong claim lang ito.

Kahit naman hindi mabenta ang mga plaka ngayon, di naman maikakaila na buhay ang musika sa mga gigs, telebisyon at lalong lalo na, sa paligid. Napakaraming mga mang-aawit na pinoy, king hindi man banda na buhay sa panahong ito. M2m (many too mention... Slumbook???) nga lang sila. Nandyan pa rin ang parokya, up dharma down, bamboo, pupil, kamikazee, radio active sago, dong abay at mga bagong bands tulad ng tanya markova, typecast, valley of chrome, etc. marami pa ring solohista at paborito ko nga ang asap sessionistas. Sa dami ng mga singing contests ngayon, pwede ba tayong maubusan ng original talent at style? Dagdag pa diyan ang mga advancements sa teknolohiya kung saan pwede kang makagawa h quality records kahit hindi ginawa sa manahaling studio.

Ano veh???

Well, Oo, aminin nating may pagkopya o paghalaw sa western style minsan ang mga tugtugin pero ang lahat naman ay nag-eevolve. Kaniya-kaniyang style lang yan siguro kada panahon.

Bow.

9.17.2012

Ako na ang an-bisyosa!

Dala ng kaboringan bilang ofw, narito ang aking mga plano sa taong ito bilang paglaban sa homesickness:

- manood ng 2-3 movies kada linggo. Syempre hindi sa sinehan. Ano ko mayaman?
- tapusin ang Rorouni Kenshin Series and related movies. Yes, di ko pa siya tapos. Laban palang ni Makoto Shishio natapos ko.
- mag-aral ng kanta sa gitara once a week. Irekord kung pwede. Meganon???
- magdrowing once a week
- magbasa pa ng at least 3 classic books
- magblog at least thrice a week


Libre naman mangarap ano? Sana lang makisama ang akig work load at mood para maisakatupan ang mga kachobahang itey.

Bow.

9.14.2012

Junakissss

Speaking of Chor-prise and hence, birthdays and celebrations... mapunta ako sa mga junakis ko :D

Nagcelebrate ng kaniyang 6th birthday si Zyric last Aug 31. Natupad naman ang mga gusto niyang ka-echusan sa kaniyang "happy day" - red balloons, goody bags, cake, fudams at mga regalo. Snapshots...




Next stop, Shen-Shen's 1st bday on Oct 30. Naghahanap na nga ako ng mga suppliers (yesss! feeling malaki ang budget haha) although baka kami na lang din magluto. XD


At syempot, di ko nalimutan yung tatay nila.  Mag-26 na si Benjie sa Oct 1. Di nga lang ako makakauwi for more katipiran portion. Mag-100 months na rin pala kami on Oct 11. AKALAIN NIYO YON??? Chikaaa!!! Wala pa akong maisip na gimikkk... tsaka na muna :D


Mukhang kailangan ko na rin sigurong magpalit ng pangalan ng blog at format... makapagbrowse nga.

Oo, ako na walang magawa ngayon bilang kakatapos lang ng mga reports. Wooohoo!!

Hanggang sa muli! ^____^Y

Chorrrr-----prise!!!

Pinakamahirap i-sorpresa 'yung mga taong nag-aabang nito. Buking na yung isang sorpresa na inihanda kagabi.

Good luck sa natitirang chor-presa!

Ajejejejejejejeje XD

9.12.2012

Patungkol sa mga komento

'Di ko alam kung ako lang ito o ano...

Tahasan kong iniiwasang magbasa ng mga komento sa youtube pages ng mga kanta at videos na gusto ko. Nakaka-stress at nakakalungkot kasing mabasang may bigla na lang mag-aaway sa 'comments' section tungkol sa kung anu-anong sh*t at kababawan. Nakakawalang-gana tuloy. Paminsan pa, naiisip ko, wala na bang pag-asa umangat pa ang sangkatauhan? Bakit kung gaano kabilis ng pag-unlad ng teknolohiya ay ganun na lang ang pagdami ng mga taong backward mag-isip?

oh well,

towel...

Naisip ko lang naman ito dahil... PUTA, ANG GANDA NG SANTA MONICA SONG NG SAVAGE GARDEN BAKIT SINISINGITAN ANG WALANG KWENTANG MGA COMMENTS!?!

galet? hehehe!

chika lang! masyado akong masaya sa Kenshin. Nakakabadtrip lang yung nabasa ko sa video na itey.

Sa kabilang panig ng utak ko, kailangan nang magplano para sa CHOR-presa sa byernas subalit hindi pa nagrereply ang mga bading.

Moshi moshi ano neh???

Peace Kotseng Kuba! ^_^Y

Wooohooooo!!!

Rurouni Kenshin Live Action Film will be shown in Manila on Oct 17 onwards...

ANG SAYA-SAYA!!! WOOOHOOOOOO


8.23.2012

Ang kagandahang panlabas ay sadyang bonus lang talaga (at least para sa akin) :-)


It’s beautiful when you find someone that is in love with your mind. Someone that wants to undress your conscience and make love to your thoughts. Someone that wants to watch you slowly take down all the walls you’ve built up around your mind and let them inside.


- samirathejerk.tumblr.com

Honga naman...

I actually attack the concept of happiness. The idea that - I don’t mind people being happy - but the idea that everything we do is part of the pursuit of happiness seems to me a really dangerous idea and has led to a contemporary disease in Western society, which is fear of sadness. It’s a really odd thing that we’re now seeing people saying “write down 3 things that made you happy today before you go to sleep”, and “cheer up” and “happiness is our birthright” and so on. We’re kind of teaching our kids that happiness is the default position - it’s rubbish. Wholeness is what we ought to be striving for and part of that is sadness, disappointment, frustration, failure; all of those things which make us who we are. Happiness and victory and fulfillment are nice little things that also happen to us, but they don’t teach us much. Everyone says we grow through pain and then as soon as they experience pain they say “Quick! Move on! Cheer up!” I’d like just for a year to have a moratorium on the word “happiness” and to replace it with the word “wholeness”. Ask yourself “is this contributing to my wholeness?” and if you’re having a bad day, it is.”
 — Hugh Mackay

 Shall we say 'be whole' instead of 'be happy' then? Cheers! :-)

8.22.2012

kenshin galore

dahil ako ay buryong at stressed sa mga kung anu-anong bagay, sinubukan ko ang aking drawing skills (yesss). charlot! haha!

trial #1: hindi ok yung pagkakakulay ko haha! materials - crayon. anyare?


Trial 2: Medyo mas okay. Pero mukhang more praktis needed. ^_^Y

bow.

8.21.2012

RIP Sec. Jesse Robredo

Bakit nga kung sino yung dapat mabuhay nang matagal para makapag-ambag sa pagsasa-ayos ng mundo ay sila pa yung mga nauunang mamaalam? Tapos yung mga buset sa lipunan yung siya pang naglipana?

Oh well, ang ironic nga naman ng buhay...

Pampagaan na lang...

There is some good in this world that is worth fighting for, sabi nga ni Sam sa Lord of the Rings. Sai rin ng saying, the only way for evil to triumph in this world is for good people to do nothing.


8.15.2012

what the world needs...

"The plain fact is that the planet does not need more "successful" people. But it does desperately need more peacemakers, healers, restorers, storytellers, and lovers of every shape and form. It needs people who live well in their places. It needs people of moral courage willing to join the fight to make the world habitable and humane. And these needs have little to do with success as our culture has defined it."

This was written by David Orr two decades ago in his article "What is Education For" but is still very much relevant at the present time. I pray that in the period of consumerism and social media, people get to realize that things that we really need...

Bow.

8.08.2012

May tama si Lourd

May point si Lourd de Veyra sa latest article niya sa spot.ph. Aanhin nga ba natin ang clean government kung mabubura lang tayo sa globo dahil sa malakas na ulan. Namiss ko rin ang puntong iyon sa sinulat ko nung nakaraan tungkol da SONA. Nawa'y magising na, as in ngayon na, ang mga kinauukulan na kailangan ng KAAGARANG solusyon sa mga baha. Ayusin na ang sewage system at mga daan sa lalo'ta madaling panahon. Sa pagtupad niyan, sana naman din ay mahiya yung mga 'public servants' na naturingan na ilagay ang mga mukha nila sa mga aayusin nilang bagay. Utang na loob!!! Ipasa na ang anti-epal bill na yan!!! Nakakainis lang pala na may mga taong sadyang paurong mag-isip at nirerelate ang kalamidad sa call para ipasa ang rh bill. Di na siya nakakatuwa... Disturbing!!! Una, hindi lang tungkol sa safe sex ang rh bill, reproductive health nga eh! Pangalawa, hindi natin dapat itinuturing na investment/resources ang mga anak dahil hindi natin sila pag--aari. Meron ba namang nagpost na sa mga walang anak daw, walang tutulong sa kanilang maglinis pagkatapos ng baha. Ano yon??? Ang sakit sa utak. Panghuli, panatag na ang loob ko na ligtas na yung pamilya ko sa bulacan. Bilang lumaki ako doon st dumanas lumusong sa hanggang leeg na baha, alam ko kung gasno kahirap ng kalagayan nila. Buti na rin at mataas ang second floor namin. Hay layp. Until next choba.

8.06.2012

tumpak!

There's more to life than love. Ang tunay na pag-ibig ay hindi sweet, cheesy at huma-happy ending katulad ng mga napapanood mo sa sine. Ang tunay na pag-ibig ay masakit at mapait. Bottomline: Maging tanga, responsibly. - Tales from the Friend Zone hosted by Ramon Bautista

7.27.2012

Chorva ko sa SONA 2012

Di ko binoto si Noynoy Aquino pero nang marinig ko ang pangatlo niyang SONA ay tila nakuha na niya at ng kaniyang kabinete ang paniniwala ko. Nakita ko nang malinaw sa kaniyang talumpati kung ano ang bisyon niya para sa Pilipinas - maunlad 'di lang sa ekonomiya kundi pati sa sosyal na aspeto nito.

Nakakatuwang malaman na dumadami na muli ang mga investors (via BPOs) sa bansa at napakalaki ng ambag ng mga OFWs (tulad ko... woooot) sa ekonomiya ng bansa. Subalit higit diyan, mas natuwa ako dahil mahabang bahagi ng kaniyang speech ang tumukoy sa pagbuti ng social services sa bansa - Philhealth para sa mga pinakamahihirap ng Pilipino, bagong classrooms, 1:1 aklat sa mga pampublikong paaralan, mas magandang offer sa mga guro, mas malaking budget sa edukasyon, pabahay sa mga pulis at sundalo para ganahan naman sila at maiwasan na rin ang kurapsyon at kung anu-ano pa. Narinig ko nga rin sa balita dati na isasama na sa leksyon ng mga bata ang tungkol sa mga bagay na pinansyal na sa tingin ko ay kailangang matutunan ng mga Pilipino para matanggal na ang 'makaraos lang' na mentalidad. Nakatulong nang husto sa talumpati ang mga stats tungkol sa:
1. Ano ang meron dati
2. Ano na ang mga nagawa
3. Ano pa ang kailangang gawin
4. At higit sa lahat - Kailan matatapos!

Patunay lang ang lahat ng nabanggit na kung mababawasan ng malaki ang korapsyon sa bansa, may pera naman talaga tayo para sa pagpapaunlad ng nakakararaming Pilipino.

Dagdag pa sa mga nabanggit, hindi niya pinalampas ang mga usapin sa paghabol sa mga tiwali sa gobyerno at pagbibigay hustisya lalo na sa Maguindanao Massacre.

Sana nga totoo ang mga numbers na pinakita niya at matupad niya lahat ng sinabi niya at kung magkakagayon, siya siguro ang magiging pinakamahusay na pangulo sa bansa - 'malinis', makamasa at makatarungan.

Positibo ba ang tingin ko sa kaniya ngayon dala na rin ba na masyadong mababa ang expectations ko sa kaniya?

Oh well... whatever, I'm just happy sa takbo ng pamamalakad niya at nawa'y ipagpatuloy niya at ng kaniyang cabinet ang mahusay nilang trabaho. Kailangan lang pag-ibayuhin ang mga ito sa tingin ko:
- Ilayo ang isyu ng kurapsyon sa personal na atake laban kay Arroyo at mga alipores nito. (ie, mas mahusay sana kung na-convict talaga si Corona dahil sa matinding basehan at hindi lang basta ill-gotten wealth ek-ek at dahil sa kakampi siya ni Arroyo). Maging mas objective sana ang approach dito para talaga masabi ng lahat kasama si Joey de Leon na:



- Makita ang mga resulta sa lokal na lebel. Naway masupil na rin pati mga 'small time' na kurakot. Kung susumahin kasi yung mga maliliit na kinukurakot ng mga maliliit na opisyal kabilang ang mga baranggay tanod at MMDA officers, ilang bilyon din siguro yon.

- Mas maraming benepisyo at mas efficient na serbisyo para sa mga OFWs (kamusta naman kasi ang mga embassy natin sa ibang bansa?)

- Mas magandang airports na paperless ang processes, please lang!

Di naman talaga natin ma-a-achieve ang Utopia bilang isa siyang imposibleng bagay pero at least nakikita natin paunti-unti ang mga pagbabago para sa ikabubuti ng Pilipinas.

Side kyeme re Red Carpet sa okasyon ito - 'Di ko alam kung ako lang nag-iisip nito pero sa tingin ko ay hindi nararapat ang pagrampa ng mga opisyal ng gobyerno sa isang seryoso at pormal na okasyon tulad nito. Para sa 'kin, ang pagmamaganda nila suot ang mga designer kyeme ay nagrereflect lamang kung paano nila gastusin ang budget ng gobyerno para sa sarili nilang imahe/kasiyahan. Pwede naman nating ipagmalaki ng bongga ang pambansa nating kasuotan sa mga star awards at kung ane-anek pang sh*t pero pwede bang patawarin nila ang SONA? Oo, sige ako na ang KJ.

Masyado na palang mahaba ang chobang ito. Basta, mas feel ko nang sabihin ngayon na It's more fun in the Philippines! Wooohooo! :-)

*bow*

7.26.2012

keso kayo dyan mga sukiii

Ito yung isa sa mga kanta na pwede kong pakinggan ng paulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit.

The Shivers - Kisses

Ang saya lang magsenti kasama ng mga awit ng The Shivers.

Keso pa!!!

*bow*



Credit goes to Robert Zinc for the <3 photo. 

Crowd

Maganda minsan yun pakiramdam na maging parte ng crowd at/o sumali sa isang group performance.
 


Waley lang.

7.03.2012

Lovely date with Mr. A to Z

Got these pics from Jason Mraz's "TOUR: Is a Four Letter Word" concert in Garden's by the Bay last June 29, 2012



At baket ako nag-iingles? isang malaking TSARLOT! :-D

Heniwey, may ilang pics pa ako sa phone subalit dahil sa mahusay ang telepono ko ay di ko  siya ma-itransfer ngayon. layp.

Balik sa paksa - Megatron, Pamy, Berto and I managed to get a good "spot" sa concert ground kaya ang saya-saya lang na kita namin nang medyo malapit Mr. Mraz. Ito yung isa sa mga pang-baket? este bucket list. Kailan ko kaya ulit mapapanood si Jason? Dapat kasama na Benjtot next time bilang keso overload lang ang tema ng marami sa mga kanta ni pareng Jason. Sabi nga niya -It's our God-forsaken right to be loved loved loved loved loved...


On another note, I got confirmed pala sa work the same day for more happiness. Nakakapagoda coldwave lotion nga lang these days kaya ang tagal ko na ring hindi nakapagblog. hopefully in the next 2 weeks ay hindi na masyadong mabigat ang load at makauwi sa mga junakis. miss ko na sila ng big time... (mag-emo daw? hehe)

Love & Peace ^_^Y