Bilang naka-MC ako ng 2 weeks para magpagaling mula sa laparoscopic cystectomy last Friday (take note - 8cm na cyst haggard!!!), may panahon at inspirasyon na rin akong magsulat sa wakas. :D
So para sa entry na itey, gusto ko lang magpaalam sa 2015. Nakakaloka ka bilang taon bilang tinest mo lahat na yata ng dimensyon na buhay ko. Chaaar! Wag na nateng idetalye pero ang masasabi ko na lang ay muntik na talaga akong malerkey pero buti na lang ay nakabawi na rin sa tulong ni Benjie, friends and colleagues. Yay! I'm just happy kung nasaan man ako ngayon (like nakaupo, nagtytype at nanonood ng TV wehehe).
Maraming challenges sa 2015 pero marami ring mga masasayang nangyare like Incubus at Up Dharma Down concerts, mga kalokohan sa TNS, Puerto Galera trip although ang concern ko pala don ay super lamig ng tubig kaya di ko siya masyadong na-enjoy pero kere naman, usual inuman and dinnervas with CCDs and Pamy, movie and inuman sessions din with Tere, Drich at Prens, Yishun Block partey kung saan nagkaroon kami ng ex-celebrity na bisita hahaha, bagong friends sa church at trabaho, magagandang movies (notable ones - Kingsman, Cinderella, Man From U.N.C.L.E, The Little Prince, Spectre), series (Better Call Saul, House of Cards, My Love from Another Star), anime (Attack on Titan, Death Note, Baccano, One Punch Man) at kung anek-anek pa. Konti lang pala nabasa kong books (10 lang - Gone Girl, Strange Library, The Book of Laughter and Forgetting, Birthday Stories, Thick Face Black Heart, What the Dog Saw, Black Order, Outliers, Good Enough Parenting, Stupid is Forever) so habol na lang this year :D
Anyway, baunin naten sa 2016 ang mga aral ng 2015.
Ngayon taon, ang pinaka-inspirasyon ko ay si Pia Wurtzbach. Yezzz hahaha! Siya ang epitome ng positive na example ng taong may Thick Face, Black Heart. Siya ang may true grit. Never sumuko hanggang sa makuha niya ang talagang pangarap niya sa loyf habang nananatili siya sa pagiging humble. Ang positive lang ng aura niya talaga so ayun, siya ang gusto kong tuluran 'di lang this year pero hanggang sa mga susunod pang taon. naks! :D Feeling ko kasi, nawala ko na yung part of me na talagang gagawin lahat para makuha lang ang pangarap tulad nung college pa ako. Actually, whenever I feel down, masarap balikan yung college - sobrang purita zobel pero kung anu-anong pinaggagawa ko para lang makatapos wahaha! lahat na ng scholarships ay pinasahan ko hanggang sa nakapasa rin, lahat na rin ng part time jobs ay pinatos ko at sa kabila ng lahat ng yan, maganda pa rin ang standing ko sa acads. #yabang #buhatbangko hahaha! pero seriously, pasensiya na sa yabang pero proud lang ako talaga na nagawa ko lahat yan. CHAROT!
But of course, sabi nga sa Outliers ni Gladwell, 'wag masyadong mayabang dahil ikaw ay hindi lang produkto ng sarili mong mga efforts. Ikaw ay produkto ng iyong panahon, lugar, pamilya, kaibigan, teknolohiya, lipunan at samahan mo na rin ng swerte. Hindi mo kayang umangat ng mag-isa lang :D
Pero gayunpaman, gusto ko lang ding bumawi at maging determined ulit sa karir at loyf in general. Feeling ko naman papunta na ko sa daan na yan lalo na at positive ang reviews ko sa rotten tomatoes este trabaho lalo na nung sinabihan ako ni Astro na presensiya ko palang daw ay malaking bagay na sa grupo. Gusto kong maiyak at yakapin siya sa tuwa pero syempre di ko naman ginawa yon hahaha! For the first time, masasabi kong masaya talaga ako sa trabaho at gusto kong maging useful para sa team. Aja aja!
Kung susumahin nga sa kanta, ito ang pakiramdam ko para sa taong ito - like, kasama si Snoop and all that jazz - Clint Eastwood.
Sana tuloy-tuloy lang talaga ang positivity this year. Nakatapos na ko ng 2 books - Blink at Kafka on The Shore. Ang ganda lang nila parehas. Yung una, maraming aral tungkol sa buhay in general at yung pangalawa naman, nakakabaliw as usual pero may aral ng forgiveness sa huli. Ang positive lang ng mga endings. At marami rin akong napulot na iba pang pop culture mula sa kanila like Kenna, Radiohead Kid A, opera music, at kung anek-anek pa. Di ko alam na ang ganda pala ng albums ng Radiohead. In Rainbows siguro yung the best pero lahat sila ay IMBA ang pagkakagawa.
Latest na kinakabaliwan ko naman ngayon ay Deadpool. Grabe ang ganda lang. Siya na yata ang best Marvel superhero for me. At ngayon ko lang din naappreciate si Ryan Reynolds. Ang galing niya!
Ok. OA na ko haha!
Basta yun na yon afir!
#rakenrol
No comments:
Post a Comment