2.22.2016

Biebs*

Steve Murphy at Pacman. Parehas na malalaking pangalan pero hindi immune sa pagkakamali. Ang pagkakaiba siguro nilang 2 ay hindi sinasadya ng nauna yung pagkakamali niya. Yung isa naman, ang panget lang talaga ng mga ginamit na salita para magbigay ng opinyon sa isang super sensitive na paksa. 

Parehas din silang humingi ng paumanhin pero hindi napawi ng mga sorry nila ang galit ng maraming tao. Kaya naman mapapaisip ka - minsan, kahit gaano karaming magandang ginawa ka sa mundo, pwedeng mawala dahil sa isang pagkakamali - sinasadya man o hindi. Of course may mga taong mananatili ang pagsuporta sayo pero marami ang madali kang ihuhulog at wawarlahin ng bongga. 

Yung kay Steve nga, ilang segundo lang ang pagitan ng pagsorry niya pero grabe yung level ng damage na nagawa. Yung kay Pacman, ang daming kembot sa social media at may mga nasunog na sapatos dahil sa gulong kinasabwatan niya. Putol pala yung video clip ng interview niya pero huli na ang lahat para i-save pa ang basag na niyang reputasyon. 

After ng ilang taong ng pakikiboxing sa ngalan ng bansa mo, pagkatapos ng ilang championships ay ganun lang kabilis. Waley ka na agad. 

Honestly, naaawa ako sa kaniya pero san ba niya kasi nakuha yung salita na 'yon? I mean kung sa opinyon niya ay hindi nararapat ang same-sex marriage eh wala namang kaso. Opinyon niya yun eh. Pero syempre, para ikumpara niya yon sa mga hayop at sabihing mas mababa pa yon sa hayop, kahit pa akto lang ang tinutukoy niya ay below the belt na hirit talaga. Nagsorry naman na siya at sinabi niyang he's not condemning people from the LGBT community pero grabe yung kontrobersiya na nagawa dito. 

Iniisip ko nga kasi siguro iba talaga yung impact dahil si Pacman yung nagsabi. Eh halos ituring na natin siyang pambansang bayani. Ang hirap lang tanggapin na magbibigay siya ng ganong statement tapos tatakbo pa siya sa senado. Hayz Pacman.

Pero ang hindi naman din magandang sagot kay Pacman ay yung pagtawag sa kaniya ng bobo at kung anu-ano pang masasakit na salita. Magbigay na kayo ng mala-nobelang posts sa social media pero wala na sana bitawan pa ng masasakit na salita. 

Respeto mga paps. Respeto.

Sa ganitong pagkakataon, mahirap maging rasyunal. Pero best pa rin nga na magpakita ng accountability at humility.

Yun lang poes. Ay tenkyubow.


*Biebs dahil sa kanta niyang Is It Too Late to Say I'm Sorry :D

2 comments:

Anonymous said...

Heyyy Jen! Happy blogging bilang mahaba ang bakasyon. Gusto ko ring isulat ang mga isip-isipan ko sa topic na'to. Extra challenge talaga. But in the end, respect indeed.

Biebs. Hahaha. Yan talaga theme song ng bayan.

jenpot said...

haha! Ganda rin ng entry mo, Pamy. Wall-E song naman. hihihi!

Kerek. Respect and <3 <3 <3