2.22.2016

Scariest Political Ad Ever

Naengganyo ako sa isang TV ad. Ang ganda ng pagkakagawa. Disente ang produksyon. Ang peg mga simpleng mamamayan na isa-isang nagsasabi na "hindi ako ang nakaraan". Ang ganda nga naman ng pangako ng clean slate. Panibagong simulang walang bahid.

Pero namutla yata ako nung makita ko sa huli kung sinong pulitiko ang iniendorso ng patalastas na ito. #juicecolored

Nakakapanlinlang ang ad na yon. Nakakakilabot. At gusto mong paulit-ulit na sabihin na #neveragain

Ang buhay natin ay hindi dapat madiktahan ng nakaraan pero may dahilan kung bakit nag-aaral tayo ng kasaysayan. Ito sana ay sa hangad na hindi na maulit ang mga kabalintunaan ng nakalipas na panahon para sa mas magandang kinabukasan.

Malaki ang problema kung gusto mong burahin ang nakaraan na parang walang nangyare. At kung ganito nga ang gusto niyang mangyare, talaga namang walang bahid ng pagsisisi tayong makikita sa kaniya. Wala namang masamang nangyare eh. Walang remorse. Walang apology.

Cannot V. Hindi talaga maari. Hindi tayo papayag.

Sa aking palagay, ang pagkatao mo ngayon ay bunga ng nakaraan. Nasasayo na lang yon kung paano mo gagamitin ang iyong mga karanasan at karunungan para sa kinabukasan.

Ngayon 2016, bumoto ng wasto. Magsaliksik at mag-aral.

#nevergain


No comments: