Napanood namin kagabi yung debate na hinost ng GMA 7. Ito ang aking mga kuru-kuro tungkol dito.
- Format: Marahil ay hindi 'yon ang best na format kaya hindi umaatikabo ang debate. Well, debate nga kasi siya dapat. Siguro rin, hindi "combat mode" ang mga presidentiables. Pero dahil idol din natin si Sir Monico, positibo tayong tumingin. Marami pa rin naman tayong nakuhang impormasyon para kilatisin ang mga kandidato.
- Panalo: Kung pipili ng iisang panalo, ibibigay ko ng lahat ng rounds kay Senator Poe. Klaro. Confident. Detalyado. Handa. May mga datos. May kongretong plataporma. Positibo. Hindi naninira. Walang bahid ng anumalya. Special mention sa pagbanggit niya sa kanta ni Gloc 9 - kayo pong mga nakaupo, subukan niyo namang tumayo, upang makita niyo ang tunay na kalagayan ko. *clap*clap* Ang tanong na lang ay - kaya ba niyang ideliver kaya lahat ng sinabi niya? Tungkol naman sa nationality niya, feeling ko, natural born siya eh. Alangan naman nanggaling pa siya sa ibang bansa bago siya inampon nila FPJ. Well, posible naman yon. Pero parang wala lang sense na hindi siya natural born. At in fernezz, bilang hindi naman siya corrupt, ano bang makukuha niya ring benepisyo kung magiging pangulo siya. Feeling ko, bukal naman sa loob niya ang maglingkod. Well, feeling ko lang naman yan dahil sa mga sagot niya sa debate. Although, ang problema ko rin sa kaniya ay may panganib na maging trapo siya. Let's see
- Iba pa:
- Mar Roxas: Sabi nga ni Pat Evangelista, Mar Roxas was at his best last night. Sumasang-ayon ako doon. Magaling siyang magsalita. Matalino. May plataporma at mukhang malinis din ang hangarin niya para sa bayan. Gusto ko yung end speech niya. Kung tutuusin, siya naman talaga ang pinaka-competent sa position ni Noy. Pero ang problema talaga ay, wala siyang karisma. Walang x-factor. Alam mo yung makita mo palang siya eh magtataaas ka na agad ng kilay o kaya eh sasapakin mo na lang dahil nakakaasar siya sa hindi mo masabing kadahilanan. Ang solution sana dyan ay kung nakapareha niya si Grace Poe. That could have been the best tandem para sa bansa. Kaya lang hindi na yan mangyayare so waley talaga eh. Pero malay naman naten.
- Duterte: Gusto kong magtumbling sa comment niya "Actually, it is biology." Ano hoooo??? wahahaha! anyway, I think ang best niyang nasagot ay yung sa issue sa Mindanao. Kung mayroon mang nakakaunawa sa kalagayan ng Mindanao ay siya yon. Although ineexpect ko na mas fierce siya pero kere lang.
- Miriam: I think lahat magsasabi na she wasn't her usual self kagabi. May nakain yata sila ni Mike Enriquez at medyo sabog sila. Of course may sense mga pinagsasabi niya pero parang nawalan ng pangil ba na parang she wasn't in it to win it. Tapos nakipagkampihan kay Duterte. Anyareeee? So mukhang 3 na lang pagpipilian ko - Poe, Roxas, Duterte.
- Binay: Trapong-trapo. Siya ang TNT - Tunay na Trapo. Sayang sa oras ang pakikinig sa kaniya pero ang nakakatakot ay alam kong alam niya kung paano targetin ang nakakararaming botanteng masa. Wag naman sana siya ang manalo. Juicecolored!
Sana mas exciting ang mga susunod na debate. Pilipinas, galingan naten!!!
PS: Sure na kong Robredo ako sa VP.
No comments:
Post a Comment