12.11.2014

Bogsa

Self-love does not mean ego-feeding.

***

Gusto kong mag-aral ng sax dahil sa Cowboy Bebop. Spike Spiegel <3 p="">
***

Parang 20 hours akong nagwowork in a day. Pati kasi sa panaginip work pa rin naiisip ko. Pati sa bus, work pa rin. Work from bus! watda divams? Work from bar, work from hotel, work from wherever, anyare? Tapos pag parang wala akong ginagawa sa work, naprapraning na ko LOL! But of course, nakakapagyogi bear pa rin naman ako. OA lang haha! at nakakakain ng masasarap ng fudamz courtesy of best in suhol na amobelz. Isa akong spoiled na slave. TSARLOT! Pero dahil positibo tayong tumingin, at least spoiled kahit pagod wahaha! Tsaka makulit naman si 'teh.

kfinechever!

***

So, may bago pala kong pangarap. After 10 years, gusto kong mag-aral ulit ng psychology para maging Gladwell ng Pilipinas.

BOOOOOOM!

hahaha! libre naman ah? taasan na natin. Parehas pa ng hairstyle si Gladwell at Shen hehe!

Kidding aside, after kong mapanood ang TED talk nya about Spaghetti sauce at segmentation at mabasa ang Tipping Point, napagtanto kong gusto ko naman talaga ng research pero yung research na ginagawa ni Gladwell. At napansin ko rin, hindi ganon karecognized ang psychology bilang industriya sa Pilipinas so gusto kong maging Gladwell. (Pagbigyan niyo na hihihi)

Nakakatuwa pala kasi merong "Gladwell Value Pack" sale sa Popular. 4 Gladwell books sa halagang SGD 25. Gusto kong umiyak sa pagkaGLADWELL.

CHAAAAAR!

At ngayon, di ko na alam kung paano tatapusin ang entry na ito. wahahahahahahaha

Bow.

11.19.2014

Drop-out

Cue music: Sugarcoats and Heartbeats

***

May 2 subjects pala akong dinrop nung college - Math 17 & Sociology and Mass Communication. Baka meron pang iba na hindi ko maalala hahaha!

Well yung Math 17 kasi feeling ko makaka-4 lang ako sa first take. Eh need ko ng scholarship so I opted to drop it na lang. Ayun nga lang, hindi ko na cum laude dahil na-underload ako sa sem na nagdrop ako ng 5 units ng Math 17. To some extent my sisi factor din pero ngayon narealize ko naman eh aanhin ko ba yung honors na yon? Pagtanda mo naman na eh hindi na siya masyadong magmamatter. In the end, mas mahalaga pa rin ang iyong relasyon sarili at sa mga taong mahal mo.

CHAAAR!

Yung Socio yata dahil 'di ko na makita yung sense nung subject. Kung anu-ano kasing pinagsasabi ng teacher kong tibak :D

***

Naalala ko pala, may panghihinayang ako sa hindi pagpunta dun sa immersion sa Anthropology class ko. Nagpunta yung groupmates ko sa Zambales. Ako lang di nakasama dahil di ako pinayagan ni Benjie. Sad.

Pero come to think of it, parang wala pala akong natutunan sa class na yon. hihihi

***

On regrets and what ifs: Syempre tao lang tayo - gusto natin na maayos ang mga bagay at naayon sa gusto natin kaya naman pag lumilihis sa plano natin ang mga sitwasyon eh mag-iisip tayo ng mga what ifs para pahirapan, kung hindi pakalmahin ang mga utak natin para kunwari maitatama pa nating ang mga mali.

Sisihin ang sarili or kung sinuman portion for more kaguluhan at pag-aalala.

Pero isang absolutong realidad na hindi na natin maibabalik ang oras at kahit anong pilit at sisi levels natin ay hindi na natin mababawi ang mga salitang nasabi na at mga bagay na nagawa na.

Sa mga ganitong sitwasyon, madaling sabihin pero mahirap tanggapin na wala nang ibang paraan pa kung paanong mangyayari ang mga bagay-bagay kundi sa paanong paraan ito nangyari nung nakaraan. Yung tipong kahit ibalik natin ang nakaraan ay sa ganoong paraan pa rin sya mangyayari.

Kaya naman mahalaga ang positibong disposisyon sa buhay para tanggapin ang mga mahihirap na sitwasyon at gamitin ito para maging malakas para sa sarili at sa ibang tao.

Parating may mga bagong bagay naman tayong matututunan at maituturo sa iba.

Looking at the bright side of the story efek efek

***

Isa sa inaabangan ko sa Yoga class namin ay yung mga echos ng teacher namin kasi nakaka-inspire sya at nakakagaan ng aura. 

Isa sa paborito ko yung sa Detox Flow. Syempre, pampatanggal ng toxins sa katawan. Pero di ko inexpect na magkwekwento ng something personal yung teacher namin.

Anyway, ang kwento nya ay tungkol sa friends nya sa FB. Taga-Inglatera kasi siya tapos syempre kumokoment sya sa FB ng mga friends nya don. Pero napansin daw nya na lagi na lang rude yung certain friends nya sa kaniya hanggang sa nabother na siya - hindi na healthy ang mga ganung usapan. So he decided to send them "thank you for the old fun times and goodbye/all the best" notes at shinunggal na nya sila sa FB friends list nya.


Kanina naman, nakita ko yung status ng isang friend ko sa FB. Kakatuwa lang din:
You can't run with people who can't make up their mind. Drop 'em, find ones that can and will run with you, and keep running. @stopandrealize 

Parang sabi nga ni Will Smith:
Don't chase people. Be yourself, do your own thing, and work hard. The right people... the ones who really belong to your life, will come to you. And stay.

***

So sa madaling salita, ang mga major kyeme sa mahabang kudang ito ay:

Free yourselves from unhealthy relationships. 

Drop toxic people from your loyf.

Accept and let go. 

Namaste.



11.12.2014

Mr. A to Z

Will see Mraz San next week. Second time to watch him perform in my loyf. Need to review his songs soon!

Chaaaar!

In line with my existential musings, just remembered this line from Details in the Fabric:

You're an island of reality in an ocean of diarrhea. 

*erase mental picture*

Limbo

After reading Sputnik Sweetheart and watching Interstellar + Cowboy Bebop, my brain and mind, as if they are different entities, seem to be floating in a "limbo" state now.

I think I know. I don't think I know. I don't think I think. - Edward Wong Hau Pepelu Tivruski IV

So many existential chorvas running through my head.

Dreamy. Dreamy. Dreamy. 

I love dreaming. 

Life is a dream. 

Maybe yes. Maybe no.



But I'm quite sad right now. I should have stopped watching Cowboy Bebop after the mushroom episode. I got hit hard by something I didn't see coming. I feel like eating dozens of hard-boiled eggs like Spike and Jet did when Ed left.



Same thing with Sputnik Sweetheart - Broken hearts. Shattered dreams.

Sad. Just sad. 

Past. Memories. Baggages. 


And I'm sad for my friends too. I can't understand why guys are like that! Why???

Anyway, there are B sides to every story. But, but, but still...

Oh well. I sometimes love being sad. We need to be sad at times. It's part of life which even Siri acknowledges.

That's a reality no one can scape from.

Speaking of which, I love this line from Nolan's first masterpiece Memento:

I have to believe in a world outside my own mind. I have to believe that my actions still have meaning, even if I can't remember them. I have to believe that when my eyes are closed, the world's still there. Do I believe the world's still there? Is it still out there?... Yeah. We all need mirrors to remind ourselves who we are. I'm no different. - Leonard Shelby 

Muy serioso ha?

Chaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaar :D

*Bow*

11.04.2014

spongelab

Tagal ding walang post! ahihihi!

Daming updates pero ireserve ko na muna yan sa susunod na maayos (daw) na post :)

Ito muna ang chorva ko portoday tungkol sa hindi ko naman masyadong paboritong topic



nuninuninuninuninuninuni ^_^Y

*bow*

10.05.2014

Yogi Bear

Naaadik na ko sa yoga lately. 

Ang sarap kasi nung feeling na parang nasa ibang dimensyon ako ng isang oras. Ibang atmosphere at ambience ng kwarto kasama ang mga estranghero. Walang makikielam sayo bukod  sa teacher. Ang gagawin mo lang makinig sa instructions kung stretching, meditation at breathing exercise ba. 

Pero ang gaan ng feeling pagkatapos ng bawat session dahil hindi lang tungkol sa pagpapalakas ng pisikal mong anyo ang yoga kundi paglilinis pati ng iyong ulirat at puso kaya naman aalis ka sa studio na tila lumulutang ang iyong buong pagkatao. 



Peace, peace everywhere.

Namaste.

9.29.2014

Japan, Japan Sagot sa Kahirapan!

Ano bang meron sa Japan? Ang hiraaaaaaaaaaaaaap!!!

Gusto ko na lang matapos ang Full Metal Alchemist

Pffffffft!

9.18.2014

Trulab and other chor

Nakaka-inspire lang ang mga #yakapsul stories (ehem Pamy hahaha)

 Wala lang hihihihihi


9.09.2014

Kiddos

na-ipon lang ulit sa draft ko hehe!

Few of my favorite Zyric-Shen pics :)








Ok na ok naman si Zyric. Kaka-8 niya lang last week. Yay! Mabait naman siya at masunurin. Nakaligtas nga siya sa unang tooth extraction niya nung Sep 1. "This is gonna be fun" yung sabi niya tapos nung nasilip yung karayom eh umiyak na wahahaha! Kaya nga lang eh tinamaan ako ng binato niyang wooden block sa 'kin nung same day aiyoh! Dumugo yung kaliwang talukap ng mata ko. Syempre di naman niya sadya although sabi niya eh si Shen daw dapat ang babatuhin niya dahil sinira na naman daw ni Shen yung laruan niya nyahahahaha! Award! pinagalitan syempre. Anyway, abala siya ngayon sa pag-aaral ng magpaandar ng bike na regalo namin :) Sana matuto na siya soon.

Si Shen naman, di ko pa pala nasulat na nag-aalala ko sa kaniya kasi hanggang ngayon ay hindi pa siya nagsasalita. Sana nga delayed lang yung speech niya ayon sa initial na sabi ng Pediatrician niya. Halos mag-2 years old na rin siya nung matuto siyang magkalad. Pero ang pinakawoworry ko eh kung may autism siya kasi hindi rin siya marunong makihalubilo sa ibang bata. tapos dapat kasi by this time eh nagsasalita na siya kahit phrases lang. Heniwey, ang good sign ay tumitingin naman siya kapag tinawag mo yung name niya tapos tumitingin naman siya sa camera at sa mga bagay ng "tinuturo" ng kamay. Yay! Hindi naman siya (johnny?) deaf for sure kasi mahilig naman siya kumanta at nasa tono naman siya. So pag-uwi ko sa October eh si Shen naman ang pagtutuunan ko ng pansin. Sasamahan ko na siya sa doktor niya at itatanong kung kailangang niya nang magpa-speech theraphy. Hindi naman sa minamadali ko si Shen (weh? hehehe), gusto ko lang naman ma-sure na wala siyang sakit at kung sakaling may kailangang agapan eh maayos na rin nang maaga. Cute cute pa naman niya hihihi

miss ko na tuloy kiddos. Di bale, uwi na rin ulit ako in 5 weeks. 

^_^Y

Diveyn, Comedy?

*late post - supposedly nung day na pumanaw si Robin Williams (RIP) - na-imbak na sa draft ko*

Nakita ko kagabi sa teasers ng Cinema One si Dolphy. Bigla kong narealize na yumao na nga pala siya at nalungkot lang ako bigla na para bang ngayon lang nag-sink-in sa 'kin na wala na siya. Parang ang weird lang ng feeling na makita siya sa TV, nagpapatawa as usual at parang walang nangyari.

Pero syempre si Dolphy naman ay may edad at namatay dahil sa sakit. Ipapalagay ko na mapayapa naman siyang lumisan sa mundo.

Ngayong umaga naman, binulaga tayo ng balitang namatay na si Robin Williams. Nakakashock ang balitang 'yan lalo na dahil sa paraan ng pagpanaw niya. Although hindi naman siya ang unang komedyanteng kumitil sa sarili niyang buhay, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari sa kaniya 'yon - isang napakagaling na aktor na hindi lang maraming napatawa kundi na-touch ang buhay sa mga pelikula niya tulad ng Patch Adams at Dead Poet Society, naniniwala akong he deserved better.

Y'un yun eh... actually hanggang ngayon to some extent ay bothered pa rin ako kahit di naman ako super fan. Parang baket? Baket Robin Williams?

Pero ang sagot sa tanong na 'yan syempre ay siya lang ang may alam at sigurado akong malalim ang kaniyang pinaghuhugutan.

Sa kabilang banda, syempre, issue ko na naman yung biglang ang daming tributes sa kaniya nung nawala na siya samantalang nung nag-fade na yung career niya eh inalagaan ba siya ng mga tao talaga sa paligid niya? For sure syempre may mga taong genuine yung care sa kaniya pero yung sa mga tributes kasi parang biglang lahat ng tao may pakielam.

But of course, kung totoo man o hindi yung concern nila, hindi ko naman talaga dapat pinapakielaman 'yon. Nalulungkot lang ako for Robin Williams. Again, I think, feel and believe that he deserved better.

So kung nasaan ka man, Robin Williams, may you truly rest in peace.



PS: Ang insidenteng ito ay syempre reminder sa ating lahat na alalayan ang ating mga mahal sa buhay. Alagaan at mahalin natin sila hangga't may oras pa :)

Perstaymer

Sa Breaking Bad (na humakot ng Emmys this year) Peg pa rin, ang dami ko palang na-try na bagay this year pordaperstaym! Mailista ko lang para di malimutan:

  • Mag-celebrate ng New Year tapos after a few hours eh lipad na sa airport 
  • Maka-experience ng winter (although walang snow). Nabuhay naman ako sa 7 degrees Celsius. Pero 'teh, haggard ito sa balat! hahaha!
  • Makapaglibot ng Hong Kong :) Buti na lang sinamahan ako ng friend ko that time.
  • Maka-attend ng international MR conference nung birthday ko pa! Sakto :D
  • Makapagpa-facial. Salamat sa libreng birthday voucher ng Singtel. Pero syempre may catch yan anez. Nakabili pa ako ng isang session. Pero nice naman siya at nakakachillax. Kailangang i-justify hahaha
  • Mag-attend ng formal counselling session. Thanks to my housemate Vida hihihi! Nakatulong naman siya ng bongga!
  • Magpakulay ng hair sa totoong salon. although hindi gaanong kumapit yung color sa hair ko eh at least maayos naman kahit papaano ang kinalabasan wahaha
  • Yoga!!! Grabe parang naaadik na nga ako sa Yoga hahaha! Pinili ko itey over gym or iba pang sports kasi hindi lang siya physical activity. May sort of spiritual din, sige na nga psychological and to some extent emotional. Nakakatulong siya nang malaki sa akin overall. CHAROT!
  • Madala si Shen sa SG hihihi! 1st time din naming mag-Legoland. Oks naman siya pero medyo madumi na yung mga legos. Pero yung waterpark eh masaya naman ;)
  • This year din pala yung pinakamatagal naming uwi sa pinas! halos 9 months din na gap
ano pa ba? wala na kong maalala hehe! Sulat na lang ulit next toym ;)

Bookelyas


Nasa kalahati palang ako 😭

Oh well, kaya nga siya "ambisyosang" reading list hihihihi

Na-inspire kasi ako kay ate char nung minsang magkasabay kami sa tren. Sa pearl harbourfront kasi siya nakatira so mga one hour daw byahe niya to majinet jackson square. Pero keri lang daw niya kasi nakakapagbasa naman siya. Sa 80 weeks, nakapagbasa na raw siya ng 90 books. Bukod ba dyan eh nasa bar yata siya gabi-gabi. Pero andami niya pa ring nababasa!!! Hohoho!

Pordat, ako ay nachallenge at ipupush talaga ang reading list na itey. 25% na nga lang ito ng kay ate char ano wahaha!

Anyway, favorite ko so far ang Unbearable Lightness sa lahat ng books na nabasa ko in moi loyf. Natats niya ako ng bonngang-bongga. Ang flawless pati ng pagkakasulat. Alam mo yung kung tao lang siya eh papakasalan ko na siya. Chooooz!

Kagabi naman, kakatapos ko lang ng The God Argument. I'm glad at nabasa ko ang book na 'yan. Alam ko na ngayon kung ano talaga ang pilosopiya ko sa buhay. Charot!

Now reading: Nineteen Eighty Four

Seryoso lang? Push na yan!!! Cheka!

Bow.

9.04.2014

Random Thoughts About Kyoto In-In-Inferno

Saksak puso tulo ang dugo...

LOL

anyway, random echos lang tungkol sa Kenshin part 2:

  • Si Elsa pala ang may kasalanan kung bakit nabuhay pa si Shishio #letitgo
  • May pagka-gremlin pala itong si Shishio at dumami nung naulanan #lakasmaka90s
  • Eh may time pala na blonde ang buhok ni Daniel Padilla #cho 
  • Wala bang tubig sa Tokyo at laging mukhang nanlilimahid sila Sano at Yahiko parati? #maligopagmaytoym
  • Nung naka-kimono pala si Smokey dati sa Takeshi's Castle eh may karir din siya as sidekick ni Shishio 
  • Eto ring si Brad Pete pumart-time 
  • Bakit walang dalang tubig yung mga tao eh nagsusunog nga yung mga kulafu ni Shishio? Tapos bakit wala rin namang bahay na nasunog? 
  • Bakit pumayat si Saito? #yosikasingyosi
  • Si Red One pala talaga yung teacher ni Kenshin eh
  • Bakit hangkyutkyut lang ni Kenshin? 

Hihihihi


Overall, winner naman yung movie. Feeling ko lang, medyo off yung pagpasok ni Aoshi at kinailangan pa nilang patayin si lolo Ninja. Dapat kasi nung Part 1 pa siya lumabas tapos si Saito ngayon palang para may gulat factor pa. Isa pang echos, paanong pwedeng naulanan si Shishio eh may temperature requirement siya of some sort kaya nga *bleep*bleep*bleep*???

CHAR!

Anyway, lalabas na raw yung part 3 next month woooohooooo!!!

Cheka ulit next time :)



8.25.2014

Kenshin Fever

kaka-excite!!! <3 p="">



8.07.2014

Kenshin Mode

Dahil papalapit na ang showing ng Kyoto Inferno, Kenshin fever na naman ako ahihihihihi

Well, actually, gusto ko lang sabihin na ang cute nung Hapon na kuya na gumagawa ng ramen sa NTUC foodcourt. So Japan-ice!!!

mwahahahahaha!

bow.

#kerengkeng #kiligmuch #cantwaittoseekenshin #halabtakeru

7.30.2014

There's Treasure in Pagpupuyat

Ano daw?

Mwahaha!

Maganda itong artekel na"Intelligent People All Have One Thing In Common: They Stay Up Later Than You".

To sum-up:

"There's an electricity in the moon. A pulse, a magic, an energy. A bewitching entrancement unlike that of the sun...

It's when we fall in love - that passionate, all-consuming, purposeful love that always looks a little different in the light of day...

The night is for passion. It's for fanaticism, romance and trouble. It's when your most tender, authentic and suppressed sides come out to play under the nonjudgmental eyes of the stars. It's for all those things you could never dream of doing by day, under the watchful eyes of the sun."


May katuturan naman pala ang pagpupuyat ko kahit na minsan sa walang kwentang bagay lang #palusot. Choz! Parang gusto ko tuloy i-send ito sa dati kong teammate na nambalaj sa eyebags ko dahil nagwowork pa raw ako until wee hours (na hindi ko alam kung paano niya nalaman dahil hindi naman kami magkatrabaho - ISSUE!!!). Siya daw kasi ay morning person kaya maganda ang skin niya. Siya naaaaa!!! #bitterocampo hahaha! 

Pero syempre hindi ko na siya papatulan. Patawarin na lang natin siya for more love and peace.

CHAAAAARRRR!

*************************

Speaking of moon, fan na fan ako ng Sailor Moon nung bata pa ko (hanggang ngayon pa rin pala ehehehe!). Cute pati ng theme song niya. 

Naalala ko rin yan kasi napanood namin ni Sir Chef ang Miracle in Cell #7 kagabi at yung conflict ng story niya ay dahil sa Sailor Moon bag. Acheche! Maganda naman yung movie at hindi naman siya yung tipong iiyak ka lang the whole time. Maraming mga patawang moments at yung tipong ngingiti ka lang. But of course, bago ka paiyakin ng todo sa huli. Crayola fatale!!!

At sa tema pa rin ng Sailor Moon at bilang pagtatapos, hangkyut-kyut lang ni Pedro dito. (well, kahit ano namang gawin niya ay gwapo lang siya <3 char="" p="">

Bow <3 p="">

Red Carpet

Hindi ko maintindihan kung bakit ang media at mga pulitiko ay tinatratong parang red carpet ang pananamit at pagrampa bago ang SONA. Napa-insensitive lang ng mga taong nakukuha pang pumarada sa magagarang damit at ipakita ang ganitong kaprichuhan sa media habang majority sa mga Pilipino ang nabubuhay sa minimum wage.

Hindi ko talaga 'yan maaarok. Hindi na sila nahiya sa mga bumoto sa kanila.


7.29.2014

BBB

Paborito kong linya ni Mike sa Breaking Bad:

Mike: We had a good thing, you stupid son of a bitch! We had Fring, we had a lab, we had everything we needed and it all ran like clockwork! You could have shut your mouth, cooked, and made as much money as you ever needed. It was perfect! But no! You just had to blow it up! You, and your pride and your ego! You just had to be the man! If you’d known your place, we’d all be fine right now!

7.14.2014

Ang Problemo ko Sa UP

Talagang may problema ako UP ano?

wahahaha! of course echos lang ito.

UAAP Season na naman kasi, narinig ko sa balita. As usual, talo na naman ang UP sa basketball. #weshallneverexpect. Ang ironic lang na ang galing ng UP na mag-cheer (cheer dance? hehehe) pero never pang nanalo. Ni hindi man lang makapasok sa semis. Anyare?

Eh di waley! mwahaha!

Anyway, hindi naman yan yung totoong problema ko sa UP.

Noong isang araw kasi napanood ko sa ANC yung tungkol sa infestation ng mga coconut farms sa Southern Luzon. Nabother ako dun sa comment ng isang farm owner dahil hindi mapuksa yung mga peste eh naturingan pa naman daw na mga graduate ng UP yung mga nasa Philippine Coconut Authority aka PhilCoA (ayon sa website though, may ginagawa daw sila para ayusin ang issue na ito).

Ang sakit lang sa tenga at puso na marinig ang komento na 'yon - "graduate pa naman ng UP". Tinamaan ako in particular dahil naturingan akong graduate ng UP ay wala naman din akong kongkretong naibabalik pa na makabuluhan sa bansa ko bukod sa remittance. Masakit mapakinggan pero yan ang totoo - marami sa ating mga graduate ng UP ang hindi naman talaga naglalayong gayahin si Oble sa pagbibigay ng sarili sa bayan, rason kung bakit subsidized (at least noon) ang tuition fee sa unibersidad. Bakit? Halos lahat naman kasi ng estudyante, naghahangad na makapasok sa UP hindi para maglingkod kundi para sundan ang kani-kaniyang ambisyon na usually ay 2 bagay lang naman - makapag-abroad at makapagpayaman.

Well of course, may choice naman tayong gawin kung anuman ang gusto natin. May nababasa nga ako na status ng mga UP grad sa facebook, parang wala lang sa kanila na ipagpalit ang citizenship nila para lang hindi na kailangan ng visa sa pag-ikot sa buong mundo.

Yun nga lang, mahirap kasi kapag may nakakaligtaan kang responsibilidad. Madalas kasi sa hindi, nakakalimutan natin ang tagline ng UP - Honor and Excellence. Kaya nga nauna muna ang Honor bago ang Excellence ayon nga sa last lecture ni Mareng Winnie eh dahil mas dapat nating pahalagahan ang dangal bilang estudyante ng premier na unibersidad sa Pilipinas bago kagalingan (tinagalog ko alng hahaha). Basta panoorin niyo na lang yung vid. Mas maganda ang paliwanag ni Mareng Winnie tungkol sa bagay na yan.

Sagot sana kasi tayong mga graduate ng UP para matuunan at maresolba ang mga socially relevant issues sa sarili nating bayan. Ang dami nga nating pagyayabang tungkol sa UP. In fact, walang mapaglagyan ang pride natin bilang graduates. As in, minsan sobra na akala natin wala nang ibang magandang school kundi UP. Parang tama na ang school pride. Heller??? CHAR.

Kidding aside, nasaan nga ba tayo at ano nga bang ginagawa natin? noh?

At yan ang problema ko sa UP.


PS: Wala naman akong pinaparinggang mga partikular na tao. In fact, kasama talaga ako sa problemang ito ng UP. Nakakalungkot lang pag pinag-iisipan ko ang bagay na itey. #akonamadrama
PS: Mareng Winnie, wag mo nang hilahin ang mga paa ko ha? babalik din naman ako at "magbabalik"... Pramis. ;)

Survey says...

#akonawalangmagawa



6.27.2014

Gloomy Friday

Got the news that Marlon Ilag passed away this morning. :(

Hindi naman kami close ni Marlon bilang nagresign siya nung dumating ako sa MB kaya di ko na siya na-experience maging boss. Ang alam ko lang magaling siyang kumanta lalo na nang 80s and 90s na love songs (buma-balladeer) dahil nagvideoke kami nung farewell niya tapos sinabihan niya ko na pang-sisiw yung buhok nung nagpakulay ako (sa stress sa paglipat sa PM! hahaha). Anyway, mayroon lang isang espesyal na encounter ako with Marlon nung bago pa kami magkita. Gusto ko lang isulat para hindi ko malimutan.

Nakareceive ako ng offer (call) from Karen para sa RA position. Ang salary na inoffer nila ay 17k which is 70% higher kumpara sa nakukuha ko sa Rebisco that time - that time na baby pa si Zyric at mahal ang gatas and all that jazz! So for me, game na ako dun. Choosy pa ba ako? Maganda naman din ang company at first time ko na mag-MR agency. So ayun, kinuha ko na agad yung offer syempre bilang ako naman ay atat talagang nilalang na mababa ang EQ. CHAR! So anyway, siguro mga 30 minutes after Karen's call, may tumawag sa 'kin ulit. Mukhang MB number pero iba yung last 3 digits. Si Marlon! Sinabihan niya ko na narinig niya yung usapan namin ni Karen at hindi naman daw fair kung 17k lang yung sweldo ko bilang hindi naman ako fresh grad. Tawaran ko raw ng 20k. Luckily, pumayag nga si Karen na taasan yung sweldo ko hooooraaaayyy!!!

Anyway, ang point ko lang naman ay I'd always remember that kind gesture from Marlon whom I barely know that time. Malaking bagay na for me ang 3k at bukod doon ay na-appreciate ko yung concern ni Marlon sa 'kin bilang siguro may pamilya kami parehas. Palagay ko nga rin pinush niya rin ang promotion ko to RE after 3 months sa MB dahil nakatulong ako 'dun sa isang questionnaire (parang yun yata ang dahilan... basta ganoon).

So ayan... I may not know Marlon fully but I'd always remember how he touched me, kahit sa simpleng paraan.

May you rest in peace Marlon Ilag. We'll pray for you and your family.

6.19.2014

Es-Ka-Pe

Cue music: Pursuit of Happiness

Crush a bit, little bit, roll it up, take a hit...

Wait, i'm not high! Bawal drugs dito sa bansang ito...

CHAROT!

Pero gusto ko yang song na 'yan. Chill lang. Pero ayun nga, pang-adik yung lyrics wahahaha

I'm on the pursuit of happiness and I know
Everything that shines ain't always gonna be gold
Hey, I'll be fine once I get it, I'll be good

So yan lang yung moda ko ngayon as of this moment (in time...) ES-KA-PE (Dory in Finding Nemo) --> me and my escapist self ;)

Feeling overwhelmed lang ako ng mga bagay-bagay sa buhay at wala lang ako sa mood na harapin silang lahat. But of course alam ko namang walang masosolve sa paghayahay.

Pero gusto ko lang maging hayahay ngayon.

Or siguro kasi malapit lang akong magkaroon kaya ako nagmomoda. Good job hormones!!!

Pordat, tsaka ko na lang isusulat yung ibang entries na gusto kong isulat.

Huh?

Basta yun na yon.

Mwahahahahahaha!

Bow.



PS:

Tagal kong di nakapag-udpate bilang nagbakasyon na sila Zyric and Shen dito for 3 weeks. Masaya naman syempre at super miss ko na yung mga kiddos ngayon. Pumasok na sila sa school kahapon. Si Shen umuwi rin agad bilang ngumawa lang siya sa school kahapon. Pang-FAMAS daw ang acting. Good job Shen!!! hehehehehe! So try na lang daw nilang pumunta sa school hanggang pumayag siyang magpa-iwan. Well, syempre dahil hindi na rin mababawi yung down payment sa teacher wehehehehehe!!!

4.10.2014

Why I love Her and Breaking Bad

Why do I love Her and Breaking Bad?

One Word = Chemistry

It's because all elements of these shows mix very well together, consequently showing tight/unified/class S masterpieces. They have the perfect combination of unique plot + superb acting of the whole cast + intelligent/witty dialogues + bare human emotions + appropriate and engaging scoring  + superb and exceptional visuals.

They're the kind of great shows that everything in them is just great so you couldn't really pinpoint what made them brilliant. May mga palabas kasi na masasabing maganda dahil sa superior visual effects/cinematography/editing (hal. The Avatar, Gravity, 300, Sin City, Requiem for a Dream, Pacific Rim, The Grand Budapest Hotel, Amelie), pwede rin dahil sa buwis buhay acting (hal The Fighter, Monster's Ball, Lincoln, Monster), or kakaibang story-telling tulad ng non-linear chenes ni Quentin Taratino sa Reservoir Dogs at Pulp Fiction or stunts na di mo malaman kung paano shinoot (hal Premium Rush, Fast Five) or dialogues (Before Sunrise/Sunset/Midnight, Juno, etc) or musical scoring (hal Drive,  Pitch Perfect, 500 Days of Summer) at syempre yung istorya mismo (hal Sixth Sense, The Pianist, Eternal Sunshine of the Spotless Mind, The Notebook).

Pero sa Her and Breaking Bad, sobrang maganda lahat at nagco-complement with each other kaya winner sila:

  • Her: Futuristic ang setting (lahat inuutos mo na lang sa OS tapos yung trabaho ng main character ay tagasulat or rather imbento ng mga mensahe sa mga tao) pero nagpakita ng makatotohanang istorya tungkol sa pagmamahal sa iba-ibang stages nito: pagpasok sa relasyon, kasagsagan ng kagandahan ng relasyon, awayan portions at eventually... break-up). Syempre napakita ito sa lahat ng aspeto ng pelikula - magaling na acting ng main actor (Joaquin Phoenix), creative production design (costumes, color schemes ng rooms), editing ng mga flashback at "present" na panahon, cinematography, shadowing efek-efek, dialogues na natural lang (kahit pati si Scarjo, parang totoong tao lang din talaga), kakaibang mga karakters pero alam mong nag-eexist pa rin sila sa totoong buhay (ie si ate na may nunal) at swabeng shifts ng moods mula seryoso papuntang malungkot papuntang nakakatawa (yung drawing ng echos sa kili-kili) papuntang malungkot ulit papuntang mapagpalayang tema sa tulong na rin ng pasok sa banga na soundtrack. Lahat ng elementong nabanggit, mararamdaman mo yung kalungkutan ng pelikula pero at the same time yung dulot nitong positive na pagtingin di lang sa relasyon kundi pati sa pagtupad sa iyong mga pangarap at buhay in general. 








    • Breaking Bad: Isang buwan naming pinanood ang 5 seasons ng Breaking Bad and feeling ko, during that time, kasama akong nabuhay sa mundo nila Walter White at Jesse Pinkman. Yung parang natural na lang na sabihin mo ang "Yo Mr. White!", "Magnets B*tch!*, "Don Elaurio" at "Rapido muchachos!". Tapos yung gusto mong makarinig lang ng espanyol na usapan o kaya kumain ng Mexican food. Ilang beses ba naman kaming nalungkot nung namatay yung mga characters at nung na-heartbreak si Jesse ng ilang beses, muntik ring inatake sa puso sa mga umaatikabong portions, natuwa sa mga chemistry lessons ni WW (tulad nang kung papaano ang tamang paggamit ng acid sa pagdispose ng dead body eeewww), nakitawa sa mga kalokohan nila nila skinny Pete, natuwa sa mga music videos tulad ng Heisenberg Song, Crystal Blue Persuasion at Wendy at iba pang songs, naawa ng maraming beses sa mga api at nagalit rin nang husto sa mga kontrabida. Yung nakita mo yung flawless na transformation ni Walter White mula sa goody-goody husband, father at high school teacher na naghangan lang na tustusan ang panggamot sa cancer at pambuhay sana sa pamilya niya kapag wala na siya papuntang king pin ng meth. At lahat yan ay hindi kumpleto kung hindi alien ang performance ni Bryan Cranston (WW) at Aaron Paul (Jesse). Sabi nga, dapat mamamatay na si Pinkman sa season 1 kaya lang nung nakita ng director na maganda ang chemistry ng 2 aktor, binuhay nila si Pinkman hanggang season 5. Well, actually, buong cast naman talaga ay wagi - Best Ensemble nga, talo pa ang Game of Thrones eh - sila Skylar, Walter Jr, Mike, Hank, Saul, Gomez, best villain ever na si Gus, friends ni Jesse na sabog lang, lahat sila. Bukod pa dyan, tumatak din ang isang importanteng lesson sa kin (di ko na sabihin yung background kwento - spoiler!): 
       
    • Breaking Bad pa rin: Isa rin sa paborito kong aspeto ng BB na feeling ko ay yung mga POV shots niya. Buti na lang may nagcompile ng videos (ditey) kasi ang galing talaga ng BB sa aspeto na yan. Sabi ko nga sa isa kong entry, para siyang POV shots ng Trainspotting pero on a higher level. Kung tutuusin nga, mahal ang paggawa ng isang episode ng BB dahil mabusisi ang production design at editing tapos pinag-iisipan talaga ng bongga ang script. On another note, gusto ko rin pala na wala masyadong murahan portion sa BB. Kahit yung malapit ng magpatayan and all, walang mura masyado. May mga palabas kasi na puro F word na lang yung sinasabi, di mo na naintindihan istorya wahaha! hhhhmmm... marami pa kong gusto kaya lang di matatapos ang entry na ito kung iisipin ko silang lahat wahahaha! Anyway, to sum-up (summary na naman?), naipalabas ng Breaking Bad ang kakaibang istorya ng isang normal na tao na naghangad ng mas malaki para sa sarili niya (at pamilya pa rin in the end dahil iniwan niya pa rin yung kita niya para kay Walter Jr) sa isang very engaging at creative na paraan.
    •  Side echos, feeling ko medyo related sa Reservoir Dogs yung mga "makulay" na pangalan nila. paborito ko si Mr. Pink. Pero syempre, feeling ko lang yan :P









O siya, may training na. Tama na ang kabulastugang ito ehehehe!

Bukas ulit ^_^

4.08.2014

Last Week

wala akong maisip na title... boinks!

Heniwey, gusto ko lang naman isulat na yung mga pinaggagawa at natutunan ko last week sa mga napanood, LG at pagkausap ng mga tao. Random echozeseses:

  • iLight (March 30): Nag-eenjoy pa rin naman kami magdate ni Benjie. Ayeeeee! 8th Wedding Anniv namin bukas. Anyare? Nyahaha!
  • LG, Marriage & Relationship with God: Speaking of wedding anniv, nabanggit ni Bausi sa LG nung Wednesday na relationship ng mag-asawa ay parang relationship din with God. The more you spend time together, the more you know each other and hence the more you develop and build love, trust and faith. Iniisip ko pa rin kung anong nangyari sa 'kin 10 years ago - kung paano ako naging agnostic. Paano nga ba pumasok sa kokote ko yung mga pinag-iisip ko about free will? di ko na maalala kung ano talaga yung nagtrigger. Sabi nga ni Leonard Shelby sa Memento (which I watched last week din): Memory can change the shape of a room; it can change the color of a car. And memories can be distorted. They're just an interpretation, they're not a record, and they're irrelevant if you have the facts. 
  • Free Will: So tungkol sa free will, nagbabasa pa rin ako ng mga kaechusan lalo na from Christian Apologetics para more on philosophical churva. Malapit ko na actually matapos yung Imitation of Christ. Masyado siyang pang-monghe pero may sense naman - about leaving worldly things and focusing on your spiritual journey with God by uber sincere humility, service, and communion. Anyway, napagtanto ko na may limited freedom tayo. The only thing siguro na nahihirapan ako ay yung ultimate submission kay God without any question. Honestly, I've been trying hard and if only I could remove that skeptic chip in my brain through surgery, ginawa ko na siguro. So I think, as of now, I'm still agnostic-trying-to-go-back-to-the-Christian-church bilang ang gusto ko naman talaga sa buhay ay common good.
  • Speaking of philosophical churvas and common good efek-efek: nakausap ko din si kuya noy last week. he's trying to "organize" something ditey so tumutulong kami ni benjie. for now, magbuild lang muna daw kami ng network with kahit anong orgs. Sa cultural chenes ako na-assign, which I lily-lily love. Gusto ko nga i-assist si "Ruffa Mae" sa pagrevive ng kaniyang karir bilang painter. Baka pwedeng magpaturo char. Anyway, na-touch namin ang usapin ng religion habang nag-uusap. Well, heller naman, yung profile ni kuya noy mukha naman talagang di nagsisimba (bukod sa TNL siya at ayon sa batas ng TNL ang lalaki ay hindi nagsisimba) or religious. So, di ko na maalala kung paano napunta ang usapan namin don (memory gap again) sa kung papaano siya naging methodist pero he ended up telling the story of his childhood kung paano siya naging atheist. (sabi na eh! hahaha) interesting yung family-angle ng story niya - pioneer born again sila pero bilang lahat sila sa pamilya, graduate ng Diliman, pamilya sila ng nerd at mapag-isip. so anyway, ang nagtrigger para maging atheist si kuya noy ay yung prob with his father (rip) na may pagkawalter-white ang peg - yung alam niya na malaki ang potensyal niya pero because of situations na di maiiwasan, piniling kunin ang propesyon na hindi naman talaga gusto and bound na sa pamilya. So to escape from that issue, naging alcoholic siya. kaya lang, kapag nakainom, nagiging abusive siya to the point na apektado na buong pamilya. hihiwalayan na sana ng nanay niya yung tatay kaya lang pinigilan daw ng pastor nila dahil yung daw ang "will ni God". So boom! Pagdating sa UP, naghanap siya ng group na may belief na paniniwalaan niya talaga na ayoko ng isulat ditey dahil alam niyo na... so anyway, habang kinukwento niya yung echos niya sa UP, nagdiscuss siya ng mga philophical constructs at mga theories. wow. ngayon lang ako ulit nakausap ng tao tungkol sa hardcore philosophy. wohoho! nakaka-refresh! 
  • Family: Pero kung mapapansin niyo, yung issue ni Kuya Noy ay nagmula pa rin sa family. and having watched Blood Brother & Requiem for A Dream last weekend, napagtanto ko na lahat naman tayo ay natural na naghahangad ng pamilya at mga tao na tatanggap at magmamahal sa 'tin. Sino nga ba ang gustong mag-isa? For sure kahit yung mga introvert, pag usapin ng pamilya o mga taong malapit sa kanila, lalambot pa rin ang puso nila. At feeling ko lahat tayo, to some extent, ang mga issues natin ay nagmumula sa ating pagkabata. (Sana makapag-aral pa ko ng psychology to explore this. Well, pwede naman akong magbasa any moching ika nga ni Berto)
  • PS: Gusto ko ang Blood Brother dahil bukod sa imba na cinematography, editing at score, hindi siya preachy and all. nagfocus lang talaga siya sa love, in general. Lalo na yung love na walang kapalit, na ibibigay mo sa kahit hindi mo naman talaga kaano-ano. Hindi ko na isusulat yung mga detalye ditey. Mas maganda kung mapanood niyo :) 
  • PS PS: Speaking of panonood, kailangan kong isulat yung pending entry ko about "Her" and "Breaking Bad". Bukas na siguro :D 2. Gusto ko ring magsulat tungkol sa malaking impluwensiya ng anime sa 'kin. pag may toym. 3. Gusto kong manood ng 2Cellos sa May! Pero syempre dapat unahin ang mga kiddos. Excited na kong dumating sila :)
Ayan, yung mga current na tumatakbo sa utak ko nagyon. Pasensya na sa kaguluhan. 

Chaaaar!


3.13.2014

Atticus

Finished reading To Kill a Mockingbird @ 1am kanina. Onggondolong. Yung mapapa-aaaaaaayyyy ka sa huli. Feel-good-na-malalalim-na-nakakatuwa-na-nakakahumble. Anyway, di ko na siguro kailangang idetalye kung bakit siya maganda dahil for sure ilang milyon na ang gumawa ng papel tungkol sa classic na librong ito. Sana lang, dumami ang mga taong tulad ni Atticus sa world.

Char.

Ito na lang favorite quotes ko from the book (mostly dialogues ni Atticus, syempot):
  • “You never really understand a person until you consider things from his point of view... Until you climb inside of his skin and walk around in it.” 
  • “I wanted you to see what real courage is, instead of getting the idea that courage is a man with a gun in his hand. It's when you know you're licked before you begin, but you begin anyway and see it through no matter what. 
  • “They're certainly entitled to think that, and they're entitled to full respect for their opinions... but before I can live with other folks I've got to live with myself. The one thing that doesn't abide by majority rule is a person's conscience.” 
  • “Atticus said to Jem one day, "I’d rather you shot at tin cans in the backyard, but I know you’ll go after birds. Shoot all the blue jays you want, if you can hit ‘em, but remember it’s a sin to kill a mockingbird." That was the only time I ever heard Atticus say it was a sin to do something, and I asked Miss Maudie about it. "Your father’s right," she said. "Mockingbirds don’t do one thing except make music for us to enjoy. They don’t eat up people’s gardens, don’t nest in corn cribs, they don’t do one thing but sing their hearts out for us. That’s why it’s a sin to kill a mockingbird.” 
  • “Atticus, he was real nice." "Most people are, Scout, when you finally see them.” 
  • “It was times like these when I thought my father, who hated guns and had never been to any wars, was the bravest man who ever lived.” 
  • “People in their right minds never take pride in their talents.” 
  • “As you grow older, you'll see white men cheat black men every day of your life, but let me tell you something and don't you forget it - whenever a white man does that to a black man, no matter who he is, how rich he is, or how fine a family he comes from, he is trash.” 
  • “Simply because we were licked a hundred years before we started is no reason for us not to try to win.” 
  • “You can choose your friends but you sho' can't choose your family, an' they're still kin to you no matter whether you acknowledge 'em or not, and it makes you look right silly when you don't.” 
  • “It’s never an insult to be called what somebody thinks is a bad name. It just shows you how poor that person is, it doesn’t hurt you.” 
  • “There are just some kind of men…who’re so busy worrying about the next world they’ve never learned to live in this one.”

Lastly, maipasok ko lang ang love choba from Harper Lee's "Love -- In Other Words":

Love purifies. Suffering never purified anybody; suffering merely intensifies the self-directed drives within us. Any act of love, however--no matter how small--lessens anxiety's grip. gives us a taste of tomorrow, and eases the yoke of our fears. Love, unlike virtue, is not its own reward. The reward of love is peace of mind, and peace of mind is the end of man's desiring.

3.12.2014

RDj

In line with breaking bad year, gusto kong achibin ang peg na ito ni RDj (kung hindi man maachib si RDj - in my dreams!!!).




Btw, ngayon ko lang nalaman na BK ang dahilan sa pag-quit niya sa drugs. 

Wala lang.

ahihihihihihi

3.11.2014

Pang Ms Universe ala RR


Thanks for the heart-warming ala Olaf reminder Lupita Nyong'O!

Winner na mga kaechosan tungkol sa pakikipagrelasyon

Paminsan, may mga bagay na may sense naman akong nababasa sa FB tulad ng mga status na ganito ni July Bernardo patungkol sa pagiging single:
"Bakit nga ba ako single? 
People get surprised, sometimes amused, whenever they learn that I haven't committed just yet. 
Yet, is it too surprising to be sure before one commits? Nakakagulat bang mag siguro na ang relasyon ay totoong tatagal? Is it 'abnormal' to make sure that a commitment will last forever, that a relationship will see a ripe, old age?
 Kaya naman huwag padadala sa mga pambobola. At kapag magko-commit, siguraduhing panindigan. 'Yung aabot hanggang edad ng pagka-ulyanin, pagkulubot ng balat, at pagrupok ng buto.
Cunning words unsustained by actions are just but a fleeting breath that dissipate in hot air, a zealot's tongue, sharper than a dagger, ready to pierce one's heart.
Tulad nga ng status ni Noel, "I'd never fully trust the words from a lover's mouth again."
I watched you lose interest in someone you said you’d love till the end of time. From that moment on I realized I’d never fully trust the words from a lover’s mouth again."
















2.25.2014

Chorva

Bentang-benta sa 'kin itong strip ba itey ni manix! Hardcore!!!

2.21.2014

Bakit nga ba?

Mainit ngayon yung balita sa Ukraine sa mga bagay na sa palagay ko ay dala primarya ng hindi pagkakaunawaan. Nakakabother, nakakadisturb na may mga kailangang magbuwis ng buhay dahil sa pulitika. 

Sayang ang buhay.

Pero di ba simple lang dapat ang mga bagay? Bakit ba hindi na lang natin pasimplehin? Bakit ang hirap intindihin ng kapwa natin? Bakit may mga taong sadyang mapagsamantala? Bakit may mga taong kayang pumatay ng kapwa niya? Bakit kailangan pang magkagulo? Bakit di na lang tayo magkasundo lahat?

*stress much*

Ang dami kong tanong noh?

hay...

2.19.2014

Random kyeme 2014.1

Tagal ko na pinag-iisipan kung anong gagawin ko sa bday ko. Saan kakain and all that jazz pero hanggang ngayon wala pa rin ako mapagdesisyunan (as if sobrang malapit na hahaha). Heniwey, wala naman talaga kong gustong gawin. dinner-dinner-an lang with friends and sir chief, as usual, so hindi ko na siya dapat isipin... Ano daw?

Wahaha!

***

Nasa hospital pala si lola. Medyo ok na siya at least may mga gamot na and inaalagaan naman siya. Di ko nga lang alam kung matatawa ako or maiinis or ewan ko sa dahilan ng aksidente nya. May senior citizens' party kasi sa baranggay namin. Nagpalaro sila ng pabitin. Ano namang klase yon??? Eh ayun nagkagulo yung matatatanda sa pabitin at nadaganan si lola. Nabali ang balakang. Aiyoh! Pwede daw di operahan si lola kasi medyo delikado yung mataas na bo niya kaya lang di na siya makakalakad. Wheelchair na lang. Hay. Gusto ko pa naman ipasyal pa si lola. Oh well, loyf. Basta maging ok na siya. 

Naalala ko pala yung lola sa magnifico. Nahulog dahil kinuha ang saranggola sa bubong ng bahay. Di na ko mag-j-jaywalk.

***

Ang daming kaganapan this year. Mukhang uuwi na yata si villa sa pinas. Si genie manganganak na. Yung isa ko ring kapatid manganganak. Mag-30 na ko. Shocks 30! (Eh ano naman? Whaha). At sa nakaraang 2 months. Dami ko ring travel for work. Hay...

 Sana ok naman ang karir this year. Kalungkot lang yung nagresign agad si bossing. Hay ewan. Bahala na muna si batman (sorry bruce).

*** 

Natapos ko ang The Rosie Project in a week! Woohooo! Kakatuwa siya. Story ng nerd na na-inlababo. Mukha kong shunga na tumatawa mag-isa sa bus habang nagbabasa. Kebs. Mwahahaha! Si tom hanks pala ang naiisip kong actor if ever na gawin siyang movie at ngayon, narealize ko na gusto ko pala si tom hanks. Isama na rin si hugh grant. (Anong koneksyon? Dont know leh hahaha)so bet ko sila kasama nila robert downey, joseph gl, johnny depp, ewan mcgregor, mark ruffalo, michael fassbender, christian bale, james franco... At ely buendia. Huh?

BOOM!

Yung Cloud Atlas naman ay natapos ko rin last week and love ko rin siya (thanks ulit pamy). May mga major changes pala na ginawa sa movie. Well, actually sa sonmi story mostly at syempre mas maganda yung book as usual hehe! At magaling ang style niya. 6 different chapters sa iba-ibang panahon pero magkakatugma. Ang galing ng paggamit ng wika nung writer. Di naman nakakapagtaka na required reading siya ngayon sa brit lit classes. At syempre, bet ko yung mga philosophical choba. Feelingera lang. Wehehe!

Next... How To Kill a Mockingbird, Imitation of Christ, Killing Jesus, The Unbearable Lightness of Being and hopefully, ravi Zacharias' books to answer my questions. Of course nagsesearch pa rin ako pero di ganun ka-"fired up". Kailangang isulat lahat ng questions. May notebook na ako. Ako na lang hinihintay ;)

***

Ritual namin ni benjie ngayon ang panonood ng mga popular and underrated movies. Kakaadik magbrowse sa Taste of Cinema eh. Kakapanood lang namin ng Trainspotting nung isang gabi. Bukod sa love ko si ewan eh ibang klase talaga ang cinematography at editing ng movie na yan. Patok syempre yung pag-mock sa "normal" life (choose life in Scottish accent). Narerelate ko sa kaniya yung Breaking Bad. Yung mga POV shots ng BB pala ay hawig sa Trainspotting pero higher level. Syempre dapat may isang entry ako about BB. Sa ibang panahon na lang. Ang hirap magpindot sa phone hehe! Pero ngayon, trip na trip ko itong playlist na itey sa Spotify. Gusto kong ihug yung nagcompile ng playlist na ito. Char.


O zsazsa, magdodownload muna ko ng movies. 

Peace out yo!!! \m/

2.09.2014

Bye 2013; Heller 2014!

Aloha milkyway!!!

Tagal ko na naman di nakapost ng chever. Busy-busyhan at usual. At lahat nung gusto kong isulat ay nakalimutan ko na.

*bravo*

heniweys, bilang tradisyon, ito na lang ang recap ng 2013 at mga bagong echos sa 2014.

2013, grabe lang yung mga pagbabagong naganap sa taong ito. I think sa lahat in general - ie, nagpalit ng pope, super laking pork scandal sa pinas, etc. Sa akin, personally, na-overwhelm din ako sa daming ups and downs sa mga nangyari sa pamilya, friends at karir.Ito yung list, sa pagkakaalala ko :D

- January: nagpunta ako sa wedding nila Grace and Jed. Nakita ko muli yung dati kong churchmates. Hindi na ko masyadong nakachika pero masaya akong nakita ko sila, si Anmarie particularly, after a decade :)
Photo: Heller heller! :-)
- February: First time sumali ni Zyric sa Math Quizbee and almost got a place. Sobrang proud nanay moment syempre, hindi man siya nanalo eh natutuwa ako na natural sa kaniya mag-seek ng excellence sa schoool kahit hindi namin pinupush ni Benjie :) Had a chance to see Japanese echos sa Orchard din

Photo
- March: 29th Birthday! ahehe! celebrated it with family and friends sa pinas pero syempot had some echos din sa SG :) Jollibee opened its first store in SG din! Hooray for chickenjoy! Sana lang ay magkaroon na sila ng palabok at peach mango pie soooooon! :D



- April: Graduation ni Benjie!!! Yeeeeey! Grabe sobrang tagal naming hinintay 'to. Finally!!! *tearsofjoy* Nagpunta kami sa Laiya for celebration. Gondo mag-snorkelling ^_^ Nag-1 year din pala ko sa Ipsos this month acheche!


- May: 2013 Senatorial Elections. Campaigned for Teddy C pero hindi siya nanalo. Kahit si Gordon, hindi pa rin makapasok! Ipasok si Dick!!! :D Nga pala, this month, namatay si Eddie Romero. Na-meet ko siya once sa episode ng Real Stories re National Artists, ito yung paborito kong episode. Kaka-starstruck!

- June: Dumating na si Benjie sa SG yooohoooo!!! Nagkaroon ng haze though at after non ay kumanta ako sa aking first ever gig at band (Jennifours). Check ang bucket list! :) Work related, end month ni Anita sa Ipsos at si Ate Char na ang boss ko! Char!


- July: Naghiwalay na ang balerkey. Iba-iba na rin kasi kami ng lugar ng trabaho di tulad ng dati na nasa 50 Scotts lang kami lahat. Si Juni lumipat na sa Toluna, si Michael sa isang pharma, si Pamy naman, ang aming honorary housemate ay nasa Raffles Place na banda, Incite. Si Berto na lang ang natitira sa WPP hehe! Ako naman, syempre kasama ko na si Benjie. yung napili naming lugar ay sa Bukit panjang-jang-jang with ex-churchmates. Tapos nagpunta rin pala kami sa month na ito kila Tere. Ok naman si Drich at Benjie. Uminom kami doon syempre at voila! buntis si tere for the second time! ahihihihi :D


- August: Watched E-heads for the first time!!! \m/ Nagkawork na rin si Benjie tapos Zyric turned 7 years old! Wohoho! Bday din pala ni Mommy 'to.



- September: Last month ni Carine sa Ipsos. Ahuhu! Pumalit si Pinaki. Nagkasakit naman si Bayang this time though. 1 month siyang naconfine sa hospital. May bumara daw sa utak. Buti naman at nadaan sa gamot. ahahay! Happy kami na magaling na siya pero ang downside nito ay kami ang nagbabayad ng bills hanggang mid-this year pa. har har har! pero ayun, ganun talaga. Sabi nga ni Donald Margolis sa Breaking Bad (patungkol sa pamilya), "You can't give up on them. Never." Drama... on another note, nameet din namin sila Kuya Noy (na imeemeet ko mamaya hahaha), Pastor June, Van, at sila Ate Liz ulit. May planong mag-organize ng something pero walang natuloy ahehehe! Ayos! Heniwey, another impt chenes, 2nd and last gig naman ng J4. bow.

- October: 27th Bday ni Benjie. Happy celebration naman with couple friends Tere and Drich, Ipsos, Balerkey, TNS, ang Timothy. Ang dami ring nagcelebrate ng buwang ito at ginawa namin ang Umbrella dance kila Teena wahahaha! Napunta rin pala kami sa Hello Kitty Land with Tere and family :) Kulit ni Faye! ahehehehe! at panghuli sa buwan na ito, 2nd bday ni Shen-Shen. Di kami nakauwi though dahil nga sa dami ng gastos pero binigyan na lang namin siya ng piano hehehe!



- November: Nagkasakuna sa Pinas dahil kay Yolanda. Naging busy kami sa fund-raising sa office. First time na nag-kaisa ang mga pinoy sa office for one purpose. Ang galing! This time though, i think na-iistress ako ng todo sa bagong director ng grupo kay nakikipag-usap na ako sa Toluna. I resigned this month din.



- December: Stress drilon sa GSK presentations, nagtrabaho pa ko hanggang Dec 24 anez! Pumanaw yung natitirang kapatid ni Daddy na si Tito Benny. Hindi man kami ganoon ka-close eh malungkot pa rin. Wala na kasing natitirang buhay na kapatid si Daddy. layp. Anyway, nashock din kami sa buwang ito dahil nalaman naming 8-month buntis si Karen tapos after a week na nalaman namin ay nanganak na siya! nyahahahaha! nakauwi naman kami sa pinas para magpasko. actually, lumipad kami nung pasko mismo hehehe! miss ko na ang mga bata har har har



Maiba lang, notable chenes for this year para sa 'kin:
Fave artists this year: Daft Punk, Arctic Monkeys, Alt J, Up Dharma Down, Imago
Books read: The Adventures of Huckelberry Finn, The Westing Games, Silver Linings Playbook, Bloodline
Fave Movies: Trance, Warm Bodies, Cloud Atlas, Lincoln, Hunger Games Catching Fire, Before Midnight, Frozen, World War Z, Monsters Inc, Cloudy with a Chance of Meatballs Part 2, Despicable Me Part 2, The Conjuring, Way Way Back, etc
TV Series: GOT Red Wedding, Breaking Bad (susulat ako ng entry dito dapaaaat!!! :D)

oh 2014 naman! ngayong bagong taon, ang tema ko ay Go For Gold, hindi lang sa karir or financial chenes, kundi sa lahat ng dimensyon ng buhay - spiritual, physical, mental, emotional and all that jazz. Panahon na rin siguro para pagbigyan at mahalin ko naman ang aking self (char). Hopefully, with this new journey sa Toluna, support from family and friends ay maisakatuparan ko ang mga kaechosan ko sa layp.


Actually, nandito ko sa HK at namamasyal, nagmumuni-muni rin habang nagtraitraining. Hopefully, maganda naman ang 2014 for everyone :)

sobrang dami ko pang ibang pictures sa Fb ahaha!

heniwey, masabi ko lang, not that I'm gonna "break bad" like Walter White, but I just feel that... it's my time.

Let's DOH it! ^_^Y